Diocese of San Pablo, nakahandang tumugon sa mga apektado ng bagyong Opong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,723 total reads

Tiniyak ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit ang uugnayan ng Diocesan Social Action Center (DSAC) ng San Pablo upang tugunan ang pangangailangan ng mga masasalanta ng bagyong Opong.

Ayon sa Obispo, ngayon ay patuloy ang ugnayan sa mga opisyal ng San Pablo DSAC kung saan nakahanda upang maging kanlungan ng mga masasalanta ng bagyo ang mga simbahan sa diyosesis.

“Pero mangyari man ang mangyari ay sadyang nakahanda ang mga parokya ng diocese para maging kanlungan sa maaaring mangailangan nito, sa amin pating group chats ng mga pari e sadyang nagpaalalahanan na kami para sa ganitong maaaring mangyari. Nakahanda na rin ang Diocesan Social Action na tumugon kung kakailanganin at sa lahat ng ating mga Kababayan… naipakita na natin ang tunay nating puso at buhay na pananampalataya sa lagi nating pakikiramay sa kapwa, lalo na yaong higit na nangangailangan,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Maralit sa Radyo Veritas.

Hinimok din ng Obispo sa mga Pilipino ngayong panahon ng kalamidad ang pinaigting na pagtulong sa kapwa at pagiging matibay sa kabila ng sakuna.

Ito ay upang maging handa at bukal sa puso ng bawat isa ang pagtugon sa mga magiging apela ng tulong para sa mga masasalanta ng Bagyong Opong.

“Kaya nais ko lang hikayatin muli ang lahat na sa katulad na naman ng ganitong sitwasyon ng bagyo, maging handa sana tayong magbigay tulong sa mga maaaring maapektuhan na naman ng Bagyong Opong. Hindi kailanman tayo kinulang sa mga taong may mabuting loob sa mga ganitong sitwasyon. Pagpalain nawa po tayong lahat ng ating Poong Maykapal!,” ayon pa sa pananalangin at mensahe ni Bishop Maralit na pinadala sa Radyo Veritas.

Pasado alas-dos ng hapon ngayon September 26 ay nakataas na sa lalawigan ng Laguna ang Signal No.2 nang dahil sa Bagyong Opong.

Nagpapatuloy din ang ibat-ibang DSAC sa Pilipinas sa pag-uugnayan at paghahanda upang tugunan ang pangangailangan ng mga masasalanta ng Bagyong Opong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 91,890 total reads

 91,890 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 185,920 total reads

 185,920 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 230,188 total reads

 230,188 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 253,297 total reads

 253,297 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 324,248 total reads

 324,248 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 31,376 total reads

 31,376 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »
Scroll to Top