Diocese of San Pablo, nakahandang tumugon sa mga apektado ng bagyong Opong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,574 total views

Tiniyak ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit ang uugnayan ng Diocesan Social Action Center (DSAC) ng San Pablo upang tugunan ang pangangailangan ng mga masasalanta ng bagyong Opong.

Ayon sa Obispo, ngayon ay patuloy ang ugnayan sa mga opisyal ng San Pablo DSAC kung saan nakahanda upang maging kanlungan ng mga masasalanta ng bagyo ang mga simbahan sa diyosesis.

“Pero mangyari man ang mangyari ay sadyang nakahanda ang mga parokya ng diocese para maging kanlungan sa maaaring mangailangan nito, sa amin pating group chats ng mga pari e sadyang nagpaalalahanan na kami para sa ganitong maaaring mangyari. Nakahanda na rin ang Diocesan Social Action na tumugon kung kakailanganin at sa lahat ng ating mga Kababayan… naipakita na natin ang tunay nating puso at buhay na pananampalataya sa lagi nating pakikiramay sa kapwa, lalo na yaong higit na nangangailangan,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Maralit sa Radyo Veritas.

Hinimok din ng Obispo sa mga Pilipino ngayong panahon ng kalamidad ang pinaigting na pagtulong sa kapwa at pagiging matibay sa kabila ng sakuna.

Ito ay upang maging handa at bukal sa puso ng bawat isa ang pagtugon sa mga magiging apela ng tulong para sa mga masasalanta ng Bagyong Opong.

“Kaya nais ko lang hikayatin muli ang lahat na sa katulad na naman ng ganitong sitwasyon ng bagyo, maging handa sana tayong magbigay tulong sa mga maaaring maapektuhan na naman ng Bagyong Opong. Hindi kailanman tayo kinulang sa mga taong may mabuting loob sa mga ganitong sitwasyon. Pagpalain nawa po tayong lahat ng ating Poong Maykapal!,” ayon pa sa pananalangin at mensahe ni Bishop Maralit na pinadala sa Radyo Veritas.

Pasado alas-dos ng hapon ngayon September 26 ay nakataas na sa lalawigan ng Laguna ang Signal No.2 nang dahil sa Bagyong Opong.

Nagpapatuloy din ang ibat-ibang DSAC sa Pilipinas sa pag-uugnayan at paghahanda upang tugunan ang pangangailangan ng mga masasalanta ng Bagyong Opong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 35,830 total views

 35,830 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 120,589 total views

 120,589 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 138,078 total views

 138,078 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 182,829 total views

 182,829 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top