Aktibong pakikilahok ng mga Pari at layko, pinasasalamatan ni out-going Cebu Archbishop Palma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,312 total reads

Lubos ang pasasalamat ni Cebu Archbishop Emeritus Jose Palma sa mga Cebuano sa mahigit isang dekadang pagtutulungan sa pagpapalago ng lokal na simbahan sa lalawigan.

Sa kanyang thanksgiving mass na ginanap sa Cebu Metropolitan Cathedral nitong Setyembre 28, ipinagdiwang ng arsobispo ang aktibong pakikibahagi ng mga pari at layko ng arkidiyosesis sa tagumpay ng kanyang pagpapastol.

“If we had been winning, it would not have been so much because of me. But it is because we have a good team; it’s the work of everybody,” ayon kay Archbishop Palma.

Bagamat nagretiro na bilang punong pastol ng Cebu, tiniyak ni Archbishop Palma ang patuloy na pakikilakbay sa mga Cebuano, kasama si incoming Archbishop Alberto Uy.

“My heart is full of gratitude to you all. Even if I am retired, I’m just around,” giit ng arsobispo.

Pinuri ni Archbishop Palma ang mga Cebuano sa kanilang pagsasabuhay bilang mga binyagang Kristiyano, na nakikiisa at nakikilakbay sa kapwa, tulad ng pagtulong sa mga naligaw ng landas dulot ng droga, mga inaabandona, mga nasa piitan, at mga dukha na labis nangangailangan ng tulong.

Tinuran din ng arsobispo ang pagkakaisa ng halos limang milyong mananampalataya sa pag-ahon sa mga matinding hamon tulad ng pandemya at mga kalamidad.

“We have shown how we can be brothers, especially in moments of difficulty. Because we are gifted, we are gifted to give, and the other is not just the other; he is a brother to us,” saad ni Archbishop Palma.

Kinilala rin ng arsobispo ang mga layko na aktibong nakikilahok sa mga gawain ng simbahan, na naglalaan ng kanilang yaman, talento, at oras upang maisakatuparan ang malalaking gawain tulad ng canonization ni San Pedro Calungsod, kung saan malaking delegasyon mula sa arkidiyosesis ang nagtungo sa Vatican.

Kasama na rin dito ang pagtanggap sa delegasyon ng International Eucharistic Congress noong 2016 at ang pangunguna sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity noong 2021, sa kabila ng matinding hamon dulot ng pandemya.

“We mobilized religiously everybody… How beautiful to see so many thousands in various committees and associations and movements,” dagdag ng arsobispo.
Matatandaang noong 2010, itinalaga si Archbishop Palma ni Pope Benedict XVI bilang arsobispo ng Cebu at nagsimula siyang maglingkod noong 2011 hanggang tanggapin ni Pope Leo XIV ang kanyang pagreretiro noong Hulyo 16, 2025.

Nagsilbi rin si Archbishop Palma bilang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa loob ng dalawang taon.

Sa pagtatapos, binigyang-diin ng arsobispo ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa sa simbahan at sa lipunan, na nagbigay-diin sa espiritu ng pagiging magkakapatid sa Diyos at ang patuloy na pagmamahal at paglilingkod sa bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 21,923 total reads

 21,923 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 59,371 total reads

 59,371 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 77,582 total reads

 77,582 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,910 total reads

 161,910 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 198,251 total reads

 198,251 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,933 total reads

 2,933 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top