Radio Veritas, kinilala ng Pro-Life Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,248 total reads

Nanindigan ang Pro-life Philippines na mahalagang mapangalagaan ang pamilya, ang pinakamaliit na yunit ng lipunan, ngunit may malaking tungkulin sa paghubog ng mamamayan.

Sa ika-50 anibersaryo ng organisasyon, binigyang-diin ni Pro-life President Bernard Cañaberal na sa pamilya nagsisimula ang paghubog ng isang tao upang maging maayos na kasapi ng lipunan.

“If the family crumbles, we crumble our society. The strength of society, of government, of education, and even the church, is the strength coming from the family,” pahayag ni Cañaberal sa Radyo Veritas.

Sinabi ni Cañaberal na paiigtingin ng Pro-life ang mga gawain upang itaguyod ang kahalagahan ng buhay at pamilya na nagdudulot ng isang maayos na lipunan.

Aniya, ang mga kasalukuyang suliranin ng bansa, tulad ng malawakang korapsyon, ay mapipigilan kung mayroong tamang paghuhubog ang isang indibidwal sa loob ng pamilya sa tulong ng pananampalataya at pamamatnubay ng Panginoon.

Ikinalungkot ni Cañaberal ang tila unti-unting pagbabago sa kahulugan ng pamilya, tulad ng pagsusulong ng same-sex marriage, diborsyo, at aborsyon, na makasisira sa pundasyon ng pamilya.

“Nakalulungkot at nakakatakot na ang pamilya natin, unti-unting nag-iiba ng definition at sa pag-iibang ito, nagkakaroon tayo ng panibagong sistema at pananaw sa pamilya,” giit ni Cañaberal.

Dahil dito, umapela si Cañaberal sa mamamayan na muling ibalik ang tradisyon ng pamilyang Pilipino, kung saan ang bawat isa ay sama-samang nagdarasal, lalo na ng Santo Rosaryo, kung saan kaisa ang Mahal na Birhen sa pananalangin.

“Sabi nga natin, you are blessed with a blessing, so continue to be one and continue to pray. The family that prays together stays together,” aniya.

Ginanap ang ika-50 taon ng Pro-life Philippines sa Valle Verde Country Club sa Pasig City, kung saan ginawaran ng pagkilala ang mga indibidwal, institusyon, at organisasyon na katuwang ng Pro-life sa pagpapalaganap ng kanilang adbokasiya na isulong ang kahalagahan at dignidad ng buhay at pamilya.

Kabilang sa mga kinilala ang Radyo Veritas, na katuwang ng organisasyon sa pagpapalaganap ng kanilang mga gawain sa lipunan.

Inalala rin sa pagdiriwang ang buhay ni Sr. Mary Pilar Verzosa, RGS, na nagtatag ng organisasyon noong 1975 bilang bahagi ng kanyang gawain sa Good Shepherd Maternity Home.
Layunin ng Pro-life Philippines na isulong ang paggalang at pangangalaga sa buhay mula sa sinapupunan hanggang sa natural na kamatayan. Misyon nito na maging kaisa sa pagbuo ng lipunang may paggalang at pagpapahalaga sa buhay ng tao.
Kabilang sa mga programa ng Pro-life Philippines ang:
– Political and Legislative Lobby of Advocacy
– Pregnancy Counseling Centers
– Networking and Information
– Sectoral and Grassroots Organizing
– Library and Resource Center
– Radio and Television Programs
– Intensive Pro-life Education and Training Programs, kabilang ang Basic Pro-life Orientation Seminar, Teen Sexuality Training Workshop, Pro-life Lecture Series, at Pro-life Intensive Faculty Education (Pro-LIFE) Course.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 20,392 total reads

 20,392 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 57,992 total reads

 57,992 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,203 total reads

 76,203 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 160,531 total reads

 160,531 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 196,936 total reads

 196,936 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,727 total reads

 2,727 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top