Aktibong pakikilahok ng mga Pari at layko, pinasasalamatan ni out-going Cebu Archbishop Palma

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,347 total reads

Lubos ang pasasalamat ni Cebu Archbishop Emeritus Jose Palma sa mga Cebuano sa mahigit isang dekadang pagtutulungan sa pagpapalago ng lokal na simbahan sa lalawigan.

Sa kanyang thanksgiving mass na ginanap sa Cebu Metropolitan Cathedral nitong Setyembre 28, ipinagdiwang ng arsobispo ang aktibong pakikibahagi ng mga pari at layko ng arkidiyosesis sa tagumpay ng kanyang pagpapastol.

“If we had been winning, it would not have been so much because of me. But it is because we have a good team; it’s the work of everybody,” ayon kay Archbishop Palma.

Bagamat nagretiro na bilang punong pastol ng Cebu, tiniyak ni Archbishop Palma ang patuloy na pakikilakbay sa mga Cebuano, kasama si incoming Archbishop Alberto Uy.

“My heart is full of gratitude to you all. Even if I am retired, I’m just around,” giit ng arsobispo.

Pinuri ni Archbishop Palma ang mga Cebuano sa kanilang pagsasabuhay bilang mga binyagang Kristiyano, na nakikiisa at nakikilakbay sa kapwa, tulad ng pagtulong sa mga naligaw ng landas dulot ng droga, mga inaabandona, mga nasa piitan, at mga dukha na labis nangangailangan ng tulong.

Tinuran din ng arsobispo ang pagkakaisa ng halos limang milyong mananampalataya sa pag-ahon sa mga matinding hamon tulad ng pandemya at mga kalamidad.

“We have shown how we can be brothers, especially in moments of difficulty. Because we are gifted, we are gifted to give, and the other is not just the other; he is a brother to us,” saad ni Archbishop Palma.

Kinilala rin ng arsobispo ang mga layko na aktibong nakikilahok sa mga gawain ng simbahan, na naglalaan ng kanilang yaman, talento, at oras upang maisakatuparan ang malalaking gawain tulad ng canonization ni San Pedro Calungsod, kung saan malaking delegasyon mula sa arkidiyosesis ang nagtungo sa Vatican.

Kasama na rin dito ang pagtanggap sa delegasyon ng International Eucharistic Congress noong 2016 at ang pangunguna sa pagdiriwang ng 500 Years of Christianity noong 2021, sa kabila ng matinding hamon dulot ng pandemya.

“We mobilized religiously everybody… How beautiful to see so many thousands in various committees and associations and movements,” dagdag ng arsobispo.
Matatandaang noong 2010, itinalaga si Archbishop Palma ni Pope Benedict XVI bilang arsobispo ng Cebu at nagsimula siyang maglingkod noong 2011 hanggang tanggapin ni Pope Leo XIV ang kanyang pagreretiro noong Hulyo 16, 2025.

Nagsilbi rin si Archbishop Palma bilang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa loob ng dalawang taon.

Sa pagtatapos, binigyang-diin ng arsobispo ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagkakaisa sa simbahan at sa lipunan, na nagbigay-diin sa espiritu ng pagiging magkakapatid sa Diyos at ang patuloy na pagmamahal at paglilingkod sa bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 43,674 total reads

 43,674 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 123,601 total reads

 123,601 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 157,048 total reads

 157,048 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 192,347 total reads

 192,347 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 417,219 total reads

 417,219 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top