Mga Cebuano, hinimok ni Cardinal Tagle na hanapin sa Hesus sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,162 total views

Hinimok ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang mga Cebuano na hanapin si Hesus sa bawat tao at sitwasyon sa kanilang pamayanan.

Sa kanyang pagninilay sa pagluklok kay Cebu Archbishop Alberto Uy sa Cebu Metropolitan Cathedral, binigyang-diin ng Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican na si Hesus ay kailanman hindi nawawala, kundi laging naghihintay na matagpuan.

“Dear Archdiocese of Cebu and dear Archbishop Abet, look for Jesus. Look for Jesus always in burnt villages, in submerged towns, in the smiles of children, in the frustration of the youth, in the hopes and dreams of the afflicted, in social media, in the cry of the denuded hills and polluted waterways”, ayon kay Cardinal Tagle.

Tinukoy ng kardinal na maraming tao sa lipunan ang naghihintay na muling madama ang kanilang halaga—kabilang ang mga nakalimutan, inabandona, mga nasa piitan, at yaong mga nawalan ng pag-asa.

“Find love. Find Christ Jesus in each other. In every situation becomes the Jerusalem of mission,” dagdag pa ng kardinal.

Pinaalalahanan din ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na maging pari man o obispo, lahat ay nangangailangan ring muling matagpuan sapagkat bawat isa ay kamukha ni Hesus.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ng kardinal ang bagong pastol ng halos limang milyong Katoliko sa Cebu at ang buong pamayanang Kristiyano na ipagpatuloy ang pagbubuklod sa paglalakbay bilang isang simbahang sinodal—isang pamayanang naglalakbay nang magkakasama bilang mga peregrinong naghahanap ng landas tungo kay Hesus.

Binigyang-diin din ni Cardinal Tagle ang halimbawa ni Hesus sa paglalakbay tungo sa Jerusalem, kung saan isinakatuparan Niya ang kalooban ng Ama sa pamamagitan ng krus at pagkabuhay na muli.

“Jesus was not seeking celebrity status… He was seeking to do God’s will no matter what the cost,” ani Tagle, na nagpapaalala sa lahat na gawing huwaran si Kristo sa gitna ng mga hamon ng pagiging pastol.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang seremonya ng pagluklok kay Archbishop Uy, na dinaluhan ng halos 70 obispo, mahigit 700 pari mula sa Bohol at Cebu, at libu-libong mananampalataya ng arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 46,997 total views

 46,997 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 80,079 total views

 80,079 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 108,430 total views

 108,430 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 176,162 total views

 176,162 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 196,039 total views

 196,039 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top