Caritas Philippines, nanawagan ng tulong para sa Diocese of Masbate at Romblon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,306 total reads

Nanawagan ng agarang tulong ang humanitarian, development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the the Philippines para sa mga Diyosesis ng Masbate at Romblon na labis na nasalanta ng Bagyong Opong.

Ayon kay Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, nangangailangan ng sama-samang pagtugon upang maibsan ang hirap ng mga pamilyang apektado ng nagdaang kalamidad.

“On behalf of the Dioceses of Masbate and Romblon, which were the most severly affected areas by Typhoon Opong, we would like to issue this urgent appeal for your help and support for our brothers and sisters in these areas as well as in other affected dioceses,” panawagan ni Bishop Bagaforo.

Batay sa huling ulat noong September 28, 2025, kapwa walang suplay ng kuryente ang Masbate at Romblon, mahina ang linya ng komunikasyon, mabagal ang clearing operations, at apektado ang suplay at presyo ng tubig at iba pang bilihin.

Maraming bahay at istruktura rin ang napinsala ng bagyo habang karamihan sa mga residente ay umuwi na lamang upang ayusin ang kanilang mga tahanan sa halip na manatili sa evacuation centers.

Kabilang sa mga pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhan ang pagkain, household items at sanitation kits, malinis na inuming tubig, solar lamp at charger, generator, at mga gamot, lalo na para sa sugat.

Ayon pa sa initial assessment ng Caritas Philippines, kinakailangan din ng mga kagamitan para muling maitayo ang mga bahay at simbahan, gayundin ng mga alternatibong kabuhayan upang makabangon ang mga pamilya sa gitna ng krisis.

Hinimok din ng institusyon ang publiko na magbahagi ng donasyon upang mapabilis ang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

Para sa cash donations, maaari itong ipadala sa Account name na CBCP Caritas Philippines Foundation Inc. sa BPI Account No.: 4951-007116 o 4951-007108; sa Metrobank Account No.: 632-7-632-028586; at sa BDO Account No.: 004508034192.

Sa mga nais namang magpaabot ng in kind donations, makipag-ugnayan lamang kay Ms. Analyn Julian sa numerong 0916-694-5278.

Maaari ring direktang ipadala ang mga tulong sa tanggapan ng mga apektadong diyosesis.

“Let us pray for our dear brothers and sisters affected by Typhoon Opong,” ayon kay Bishop Bagaforo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 90,106 total reads

 90,106 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 184,136 total reads

 184,136 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 228,404 total reads

 228,404 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 251,513 total reads

 251,513 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 322,573 total reads

 322,573 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 147,204 total reads

 147,204 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top