Kabataan, hinimok ng Archdiocese of Caceres Youth Commission na manindigan laban sa korapsyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,052 total views

Nanawagan ang Caceres Youth Commission sa mga kabataan partikular na sa lahat ng mga Parish Youth Ministries at Youth Organizations sa Arkidiyosesis ng Caceres na makibahagi sa pagsasagawa ng lokal na bersyon ng Trillion Peso March sa arkidiyosesis bilang pakikiisa ng mga Bicolano sa pambansang panawagan laban sa sistematikong korapsyon at para sa mabuting pamamahala sa bansa.

Matatandaang pansamantalang ipinagpaliban ang gawain na unang itinakda noong ika-25 ng Setyembre, 2025 bilang pag-iingat mula sa sama ng panahon na dulot ng Bagyong Opong sa Bicol region.

Nakatakda ang pagsasagawa ng lokal na bersyon ng pagkilos na tinaguriang ‘Trillion Peso March sa Kabikolan: Aldaw Nin Pamibi Ki Ina’ sa darating na a-uno ng Okture, 2025 sa Peñafrancia Basilica Minore Grounds sa Naga City.

“The Caceres Youth Commission calls on all Parish Youth Ministries and Youth Organizations to take a stand against corruption by joining the Trillion Peso March sa Kabikolan: Aldaw nin Pamibi ki Inâ tomorrow… Together with Inâ, let us stand as one Church and one nation. Rumpagon an Korapsyon sa Bilog na Nacion!” Bahagi ng paanyaya ng Caceres Youth Commission.

Magsisimula ang pagkilos sa pamamagitan ng isang Peaceful Protest March ganap na alas-dos ng hapon mula Ateneo de Naga University hanggang Peñafrancia Basilica Minore na susundan ng maikling programa ganap na alas-kwatro ng hapon upang ipahayag ang pakikiisa ang mga Bicolano sa panawagang papanagutin ang lahat ng may kaugnayan sa sistematikong katiwalian sa kaban ng bayan.

Inaanyayahan rin ang lahat ng makikibahagi sa pagkilos na magsuot ng puting damit bilang simbolo ng pagkakaisa at malinis na hangarin para sa katotohanan, katarungan at pagbabago sa bayan.

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 10,321 total views

Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey.

Bibisitahin ng Santo Papa ang Paris, Saint-Denis, Lourdes at Metz at makikipagkita sa mga opisyal ng pamahalaan, kabataan, mga obispo, maysakit, migranteng nangangailangan ng tulong at mga relihiyoso.

Sa Paris, makikipagkita ang pinunong pastol kay French President Emmanuel Macron at bibisita sa UNESCO. Pangungunahan din ng Santo Papa ang panalangin kasama ang mga kabataan sa Stade de France.

Sa Lourdes, dadalo rin ang pinunong pastol sa mga gawain para sa mga maysakit at pilgrims at pangungunahan ang Banal na Misa at Rosary procession.

Sa Metz naman, lalahok si Pope Leo sa inter-religious meeting na nakatuon sa kapayapaan at pagkakaisa ng Europe bago bumalik sa Rome.

Nakatakda ring makipagkita ang Santo Papa sa ilang survivors ng pang-aabuso ng ilang lingkod ng simbahan France.

Tema ng pagdalaw ang “That the world may have life,” na nakatuon sa pag-asa, pagkakaisa, kapayapaan at pagkakapatiran.

Ang pagbisita ni Pope Leo XIV ang magiging unang opisyal na state visit ng isang Santo Papa sa France mula nang bumisita si Pope Benedict XVI noong 2008.

Sambayanang Pilipino, hinikayat na subaybayan ang impeachment trial ni VP Duterte

 10,427 total views

Muling hinikayat ng Prosecution Panel ang publiko na patuloy na subaybayan ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa panayam ng programang Veritasan ng Radyo Veritas kay Prosecution Spokesperson at Adviser Robert Barbers, sa pamamagitan ng panood sa paglilitis sa Bise Presidente ay makikita ng publiko kung dapat pa bang pagtiwalaan ang pangalawang pangulo base sa mga ebidensyang inilalahad ng prosekusyon, gayundin ang mga ebidenyang ipapakita ng depensa.

Bukod kay VP Duterte, sinabi rin ni Barbers na dito rin makikita ang mga pulitiko o indibidwal na naging bahagi ng paglilitis na kung sila ay naging makatotohanan, patas at makatarungan.

“Kung maari ay sumubaybay sila sa usaping ito, dahil dito mabubuo yung kanilang opinyon tungkol sa pagsuporta sa 2028 ng mga kandidato. Hindi lamang po ng ating pangalawang pangulo kung siya po ay tutuloy bilang kandidato pagka-presidente, titingnan din muna natin sino ba yung mga senador na ika nga eh reliable pa o kaya yung paninindigan sa katotohanan. Yun ang tingnan natin,” ayon kay Barbers.

Bago pa ang paglilitis una na ring nagpahayag si VD Duterte ng kanyang intensyon sa pagtakbo sa pangpanguluhan sa nakatakdang halalan sa 2028.

Dagdag pa ni Barbers, “Ang basehan po natin sa pagpili ng ating mga leader sa 2028 ay yung number one ay integridad. Yung kanyang integridad, siya ba ay na-involve sa isang usapin tungkol sa pandarambong? O yung ating bang leader na pipiliin eh meron bang kredibilidad yan na nagsabing ngayon tapos bukas dineny o nagsisinungaling na hindi daw nasabi? Yung mga ganung punto, dapat itong balansin mabuti ng ating mga kababayan kung ano ang katangiang hahanapin natin sa susunod na halalan.”

Iginiit ng dating mambabatas ng Surigao del Norte na dapat maging pangunahing batayan sa pagpili ng mga lider ang integridad, kredibilidad at paninindigan sa katotohanan.

Gayunman, ang magiging hatol sa impeachment trial ay nasa mga Senator-Judge, habang ang magiging pasya ng mga botante sa 2028 ay nakasalalay sa kanilang sariling pagsusuri sa mga kandidato at sa kanilang mga plataporma at rekord.

Sa susunod na linggo, ay magpapatuloy ang prosecution sa paglalahad ng mga ebidensya at testigo kaugnay sa article 1 ng articles of impeachment kung saan tinatayang may apat na testigo ang ihaharap sa buong linggo ng paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 73,915 total views

 73,915 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 143,357 total views

 143,357 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 174,641 total views

 174,641 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 206,654 total views

 206,654 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 355,171 total views

 355,171 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, balik Vatican na

 7,766 total views

 7,766 total views Nagbalik na sa Vatican ang Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV matapos ang ilang linggong pamamahinga sa Castel Gandolfo, na summer residence ng mga

Read More »
Scroll to Top