“Preserving human voices and faces”, tema ng 60th World Day of Social Communications

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,108 total reads

“Preserving human voices and faces” ang napiling tema ni Pope Leo XIV para sa ika-60 World Day of Social Communications na idaraos sa Mayo 17, 2026, isang linggo bago ang Pentecost.

Inihayag ito ng Vatican bilang pagpapaalala sa kahalagahan ng tunay na tinig at mukha ng tao sa gitna ng mabilis na pag-usbong ng makabagong teknolohiya.

“In today’s communication ecosystems, technology influences interactions more than ever before—from algorithms curating news feeds to AI authoring entire texts and conversations” ayon sa Dicastery for Communication ang siyang nangangasiwa sa taunang pagdiriwang,

Bagama’t kinikilala ng Vatican ang mga benepisyo ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, na nag-aalok ng bagama’t nagdala ang teknolohiya ng mga bagay na dati’y hindi maiisip, malinaw na hindi nito mapapalitan ang kakayahan ng tao na magpakita ng malasakit, gumawa ng tama, at managot sa moral na pananagutan.

Ayon sa Dicastery, kailangan sa komunikasyon ang pagdedesisyon ng tao at hindi lang datos. Kaya’t dapat manatiling nakasentro sa tao ang hinaharap ng komunikasyon.

“The future of communication must be one where machines serve as tools that connect and facilitate human lives, rather than erode the human voice,” ayon pa sa pahayag ng tanggapan.

Nagbabala rin ang Vatican sa mga panganib na dulot ng artificial intelligence.

“AI can generate engaging but misleading, manipulative, and harmful information; replicate biases and stereotypes from its training data; and amplify disinformation through simulation of human voices and faces. It can also invade people’s privacy and intimacy without their consent.”

Nagbabala rin ito na ang sobrang pagdepende sa AI ay nakakasagabal sa malinaw na pag-iisip at pagkamalikhain, at ang pagkontrol dito ng iilan lamang ay maaaring magdulot ng labis na kapangyarihan at hindi pagkakapantay-pantay.

Dahil dito, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtuturo ng “Media Literacy” at maging “Media and Artificial Intelligence Literacy (MAIL)” sa loob ng pormal na edukasyon.

“As Catholics, we can and should give our contribution, so that people – especially youth – acquire the capacity of critical thinking, and grow in the freedom of the spirit,” ayon sa pahayag.

Ilang ulit nang iginiit ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng pagtugon ng Simbahan sa mga hamong dulot ng AI at makabagong teknolohiya.

Ipinaliwanag ni Pope Leo na ang kanyang napiling pangalan ay hango kay Pope Leo XIII, na sa kanyang makasaysayang Encyclical Rerum Novarum ay tinalakay ang mga suliraning panlipunan noong unang industrial revolution.

“In our own day, the Church offers to everyone the treasury of her social teaching in response to another industrial revolution and to developments in the field of artificial intelligence that pose new challenges for the defence of human dignity, justice and labour,”ayon kay Pope Leo XIV.

Sa isa pang mensahe para sa Second Annual Conference on Artificial Intelligence, Ethics, and Business Governance, binigyang-diin ni Pope Leo na ang mabuti o masamang dulot ng AI ay dapat suriin batay sa pinakamataas na moral na pamantayan —ang paggalang at pangangalaga sa dignidad ng bawat tao, maging sa yaman ng kultura, pananampalataya, at pagkakaiba-iba ng mga tao sa buong mundo.

Ipanalangin at protektahan ang mga inuusig

 8,188 total reads

 8,188 total reads Hinimok ni Caritas Philippines President at San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang mga mananampalataya na ipagtanggol ang kalayaan ng bawat isa na isabuhay

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 14,828 total reads

 14,828 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 130,606 total reads

 130,606 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 251,185 total reads

 251,185 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 300,710 total reads

 300,710 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 67,282 total reads

 67,282 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »
Scroll to Top