Cebu leaders, hinimok ni Archbishop Uy na maglingkod ng buong katapatan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,030 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga lider ng lalawigan ng Cebu na maglingkod ng buong katapatan para sa kabutihan ng nakararami.

Sa ginanap na civic reception ng Cebu Provincial Government sa pangunguna ni Governor Pamela Baricuatro, sinabi ng arsobispo na bilang mga lider ng lipunan, dapat tiyakin maging mabuting katiwala sa pamayanang kanilang pinaglilingkuran.

“We must earn the trust of our people, prove ourselves through service, and ensure that leadership is never about power, but about the common good,” ayon sa pahayag ni Archbishop Uy.

Kinilala ng arsobispo ang bagong pamunuan sa lokal na pamahalaan ng Cebu, kabilang ang bagong gobernador, bise gobernador, at alkalde ng Cebu City. Ayon sa kanya, ang kanyang pag-upo bilang bagong arsobispo ng arkidiyosesis ay nangangahulugang bagong simula sa larangan ng paglilingkod sa pamayanan.

“Let us journey together, church and government, leaders and people, hand in hand, so that this moment of four new beginnings will not be wasted, but will bear fruit for generations to come,” ani ng arsobispo.

Bilang hamon sa pamunuan ng lalawigan at lunsod, hinikayat ni Archbishop Uy na paigtingin ang pangangalaga sa kalikasan, gaya ng pagtatayo ng Laudate Deum Tree Parks upang labanan ang lumalalang climate change at bilang pagparangal kay Pope Francis, na nagpamalas ng labis na pagmamahal sa sangnilikha.

Sa gitna ng matinding usapin ng katiwalian sa bansa, nangako si Archbishop Uy sa mamamayan at mga lider ng pamahalaan na magiging katuwang ang arkidiyosesis sa pagtutol sa mga ghost projects na naglulustay ng pera ng bayan sa halip ay iminungkahing isulong ang mga ‘godly projects.’

“No to ghost projects, but yes to godly projects. Let us dedicate ourselves to projects that honor God, uplift the poor, protect creation, and bring genuine progress and build lasting peace,” saad ng arsobispo.

Iginiit ng arsobispo na bukod sa paghanga ng mga nasasakupan sa mga proyektong ipatutupad, dapat din itong kalulugdan ng Diyos.

Bukod sa mga opisyal ng lalawigan, dumalo rin sa pagtitipon ang ilang mga obispo na dumating sa Cebu upang makiisa sa installation ni Archbishop Uy bilang ikalimang arsobispo ng arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 93,351 total reads

 93,351 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 187,381 total reads

 187,381 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 231,649 total reads

 231,649 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 254,758 total reads

 254,758 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 325,641 total reads

 325,641 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top