Mga Cebuano, hinimok ni Cardinal Tagle na hanapin sa Hesus sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,301 total reads

Hinimok ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang mga Cebuano na hanapin si Hesus sa bawat tao at sitwasyon sa kanilang pamayanan.

Sa kanyang pagninilay sa pagluklok kay Cebu Archbishop Alberto Uy sa Cebu Metropolitan Cathedral, binigyang-diin ng Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization ng Vatican na si Hesus ay kailanman hindi nawawala, kundi laging naghihintay na matagpuan.

“Dear Archdiocese of Cebu and dear Archbishop Abet, look for Jesus. Look for Jesus always in burnt villages, in submerged towns, in the smiles of children, in the frustration of the youth, in the hopes and dreams of the afflicted, in social media, in the cry of the denuded hills and polluted waterways”, ayon kay Cardinal Tagle.

Tinukoy ng kardinal na maraming tao sa lipunan ang naghihintay na muling madama ang kanilang halaga—kabilang ang mga nakalimutan, inabandona, mga nasa piitan, at yaong mga nawalan ng pag-asa.

“Find love. Find Christ Jesus in each other. In every situation becomes the Jerusalem of mission,” dagdag pa ng kardinal.

Pinaalalahanan din ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na maging pari man o obispo, lahat ay nangangailangan ring muling matagpuan sapagkat bawat isa ay kamukha ni Hesus.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ng kardinal ang bagong pastol ng halos limang milyong Katoliko sa Cebu at ang buong pamayanang Kristiyano na ipagpatuloy ang pagbubuklod sa paglalakbay bilang isang simbahang sinodal—isang pamayanang naglalakbay nang magkakasama bilang mga peregrinong naghahanap ng landas tungo kay Hesus.

Binigyang-diin din ni Cardinal Tagle ang halimbawa ni Hesus sa paglalakbay tungo sa Jerusalem, kung saan isinakatuparan Niya ang kalooban ng Ama sa pamamagitan ng krus at pagkabuhay na muli.

“Jesus was not seeking celebrity status… He was seeking to do God’s will no matter what the cost,” ani Tagle, na nagpapaalala sa lahat na gawing huwaran si Kristo sa gitna ng mga hamon ng pagiging pastol.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang seremonya ng pagluklok kay Archbishop Uy, na dinaluhan ng halos 70 obispo, mahigit 700 pari mula sa Bohol at Cebu, at libu-libong mananampalataya ng arkidiyosesis.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 2,874 total reads

 2,874 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 23,386 total reads

 23,386 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 85,817 total reads

 85,817 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 171,184 total reads

 171,184 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 217,920 total reads

 217,920 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 265,793 total reads

 265,793 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 365,498 total reads

 365,498 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top