Pagkamatay ng maraming tao sa 6.9 magnitude na lindol sa Cebu, isinisi ng Cardinal sa talamak na katiwalian sa gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,901 total views

Mariing kinundina ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang kultura ng talamak na katiwalian sa pamahalaan na nagiging sanhi ng mabilis na pagkasira ng mga imprastraktura at pagkamatay ng mga inosenteng mamamayan.

Sa panibagong pahayag ni Cardinal David sa kanyang Facebook page na may titulong “Grieving for the Dead and the Living Dead,” kasunod ng naganap na 6.9-magnitide na lindol sa Cebu ay binatikos ng Cardinal ang laganap na sistema ng korapsyon sa mga proyektong pinangangasiwaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kung saan halos 70 porsyento ng pondong inilaan mula sa kaban ng bayan ay nauuwi lamang sa bulsa ng mga opisyal at iba pang sangkot sa katiwalian.

Ayon sa Cardinal, hindi katanggap-tanggap na mula sa 100 porsyentong pondo, 25 porsyento ang agad na napupunta sa mambabatas na nagpasok ng alokasyon, habang ang natitirang bahagi ay nahahati pa sa iba’t ibang opisyal kabilang ang kontratista, mga kawani ng DPWH, LGU, COA auditor, at maging sa bangko para sa agarang pagpapalabas ng pondo.

“Should we be surprised if the project collapses? … When corruption consumes 70% of the lifeblood of public works, what remains is too brittle to withstand even normal wear and tear, much less a 6.7 [6.9] -magnitude earthquake,” Bahagi ng pahayag ng Cardinal.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Cardinal sa mga pamilyang naulila matapos ang malakas na lindol sa Bogo City, Cebu na yumanig sa kasagsagan ng gabi bago mag-alas dyes ng gabi noong ika-30 ng Setyembre, 2025.

Bukod dito, iginiit din ni Cardinal David na dapat ding magluksa ang bayan sa tinawag niyang “shameless chain of corruption” na naging sanhi ng pagkasawi ng marami.

“We grieve for those who perished in Cebu. But we must also grieve for the shameless chain of corruption that led to their death. Their blood cries out not only against natural calamity but against human greed,” dagdag pa ni Cardinal David.

Hinimok naman ng Cardinal ang lahat na magnilay at manalangin hindi lamang para sa mga nasawi kundi maging para sa mga tiwaling opisyal na sa halip na maglingkod ay ipinagkanulo ang tiwala ng sambayanan kapalit ng pansariling kapakinabangan.

“May God have mercy on the innocent victims. And may He also have mercy on the souls of those who, for a price, have betrayed the trust of the people and brought ruin upon their own nation,” pagtatapos ng Cardinal.

Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) umaabot na sa mahigit 800 ang naitalang aftershocks kasunod ng malakas na lindol sa Bogo City, Cebu, habang pinangangambahan naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na madaragdagan pa ang bilang ng mga nasawi habang nagpapatuloy pa ang search and rescue operations sa pinakanaapektuhang lugar sa lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 172,508 total views

 172,508 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 150,141 total views

 150,141 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 214,269 total views

 214,269 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 234,072 total views

 234,072 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Lights! Camera! Action?

 154,011 total views

 154,011 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top