Mary and the Eucharist ng Radyo Veritas, matutunghuyan sa Fisher mall

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,509 total reads

Inaanyayahan ng Radyo Veritas ang mga mananampalataya na makibahagi sa Mary and the Eucharist Exhibit na maaring matunghayan sa Fisher Mall, Malabon mula October 1 to 15, 2025.

Ang naturang exhibit ay bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ngayong buwan ng Oktubre na itinalaga bilang Buwan ng Santo Rosaryo sa karangalan na din ng Mahal na Birheng Maria na isang paalala para sa mga Katoliko na lalo pang pag-ibayuhin ang pananalangin ng Santo Rosaryo.

Layunin ng exhibit na isulong ang mas malalim na debosyon sa Banal na Eukaristiya at palakasin ang misyon ng Radyo Veritas bilang katuwang ng Simbahan sa pagsusulong ng new evangelization.

Pagbabahagi ni Rev. Fr. Miguel Condez, O. Carm., tampok sa Mary and the Eucharist Exhibit ang mahigit 70 imahe ng Mahal na Birheng Maria sa iba’t ibang titulo, gayundin ang mga banal na kilala sa kanilang debosyon sa Eukaristiya, at marami pang iba.

“Mayroong 70, mahigit po 70 na mga imahe ng ating Inang Maria at makikita natin dito ang iba’t iba kanyang mukha ng kanyang pagninilay at kanyang mga naranasan bilang Ina ng ating Panginoong Hesukristo. At dito po ay makikita natin yung kanyang mga pinagdaanan sa lahat. Ang panahon ng pagpunta rito ay i-align din natin ang ating oras sa pagdarasal at ganyan din makita din natin yung mga pinag-daraanan ng ating Inang Maria.” Bahagi ng mensahe ni Fr. Condez sa Radyo Veritas.

Matatandaang una ng inihayag ni Radyo Veritas President Rev. Fr. Roy Bellen na mahalagang pagkakataon ang naturang exhibit upang mapagnilayan ang kahalagahan ng Eukaristiya sa tulong ng Mahal na Birheng Maria at mga banal.

Dagdag pa ng pari, napapanahon ang naturang gawain lalo na sa kasalukuyang kalagayan ng mundo na hinahamon ng korapsyon, digmaan, at pagkakahati-hati ng lipunan.

Maaaring bisitahin ng publiko ang Mary and the Eucharist Exhibit sa activity center ng Fisher Mall, Malabon tuwing regular mall hours hanggang sa ika-15 ng Oktubre, 2025.
Maaari namang magpatala ng mga mass intentions sa nasabing exhibit at maging Eucharistic Advocate ng himpilan. Ang lahat ng intensyon ay isasama sa mga misa ng Radyo Veritas araw-araw tuwing 6AM, 12NN, 6PM, at 12MN.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 24,989 total reads

 24,989 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 62,187 total reads

 62,187 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 80,398 total reads

 80,398 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 164,726 total reads

 164,726 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 200,937 total reads

 200,937 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,649 total reads

 37,649 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top