Pagkamatay ng maraming tao sa 6.9 magnitude na lindol sa Cebu, isinisi ng Cardinal sa talamak na katiwalian sa gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,028 total reads

Mariing kinundina ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ang kultura ng talamak na katiwalian sa pamahalaan na nagiging sanhi ng mabilis na pagkasira ng mga imprastraktura at pagkamatay ng mga inosenteng mamamayan.

Sa panibagong pahayag ni Cardinal David sa kanyang Facebook page na may titulong “Grieving for the Dead and the Living Dead,” kasunod ng naganap na 6.9-magnitide na lindol sa Cebu ay binatikos ng Cardinal ang laganap na sistema ng korapsyon sa mga proyektong pinangangasiwaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kung saan halos 70 porsyento ng pondong inilaan mula sa kaban ng bayan ay nauuwi lamang sa bulsa ng mga opisyal at iba pang sangkot sa katiwalian.

Ayon sa Cardinal, hindi katanggap-tanggap na mula sa 100 porsyentong pondo, 25 porsyento ang agad na napupunta sa mambabatas na nagpasok ng alokasyon, habang ang natitirang bahagi ay nahahati pa sa iba’t ibang opisyal kabilang ang kontratista, mga kawani ng DPWH, LGU, COA auditor, at maging sa bangko para sa agarang pagpapalabas ng pondo.

“Should we be surprised if the project collapses? … When corruption consumes 70% of the lifeblood of public works, what remains is too brittle to withstand even normal wear and tear, much less a 6.7 [6.9] -magnitude earthquake,” Bahagi ng pahayag ng Cardinal.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang Cardinal sa mga pamilyang naulila matapos ang malakas na lindol sa Bogo City, Cebu na yumanig sa kasagsagan ng gabi bago mag-alas dyes ng gabi noong ika-30 ng Setyembre, 2025.

Bukod dito, iginiit din ni Cardinal David na dapat ding magluksa ang bayan sa tinawag niyang “shameless chain of corruption” na naging sanhi ng pagkasawi ng marami.

“We grieve for those who perished in Cebu. But we must also grieve for the shameless chain of corruption that led to their death. Their blood cries out not only against natural calamity but against human greed,” dagdag pa ni Cardinal David.

Hinimok naman ng Cardinal ang lahat na magnilay at manalangin hindi lamang para sa mga nasawi kundi maging para sa mga tiwaling opisyal na sa halip na maglingkod ay ipinagkanulo ang tiwala ng sambayanan kapalit ng pansariling kapakinabangan.

“May God have mercy on the innocent victims. And may He also have mercy on the souls of those who, for a price, have betrayed the trust of the people and brought ruin upon their own nation,” pagtatapos ng Cardinal.

Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) umaabot na sa mahigit 800 ang naitalang aftershocks kasunod ng malakas na lindol sa Bogo City, Cebu, habang pinangangambahan naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na madaragdagan pa ang bilang ng mga nasawi habang nagpapatuloy pa ang search and rescue operations sa pinakanaapektuhang lugar sa lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 82,961 total reads

 82,961 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 117,224 total reads

 117,224 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 152,524 total reads

 152,524 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 378,793 total reads

 378,793 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 267,781 total reads

 267,781 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top