Sambayang Pilipino, hinimok na mag-alay ng panalangin at tulong sa mga biktima ng lindol sa Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,655 total reads

Ibinahagi ni Ipil, Zamboanga Sibugay Bishop Glenn Corsiga ang personal na karanasan sa naganap na magnitude 6.9 earthquake na yumanig sa Cebu nitong September 30, 2025.

Si Bishop Corsiga ay kabilang sa mga dumalo sa solemn canonical possession ni Cebu Archbishop Alberto Uy, at kasalukuyang nagpapahinga sa ikatlong palapag ng isang hotel malapit sa Our Mother of Perpetual Help – Redemptorist Church sa Cebu City nang biglang yanigin ang gusali.

Ayon sa obispo, ang kanyang karanasan ay nagpaalala sa mamamayan hinggil sa kahalagahan ng kahandaan sa ganitong uri ng sakuna.

“That was one kind of a horrific experience… when you are given a time to save your life and there was no one to help you because all of you have the same perpetual goal in that short moment,” pagbabahagi ni Bishop Corsiga.

Bunsod nito, hinimok ni Bishop Corsiga ang publiko na paigtingin ang kahandaan sa pamamagitan wastong kaalaman at disiplina upang maiwasan ang pagkataranta at sisihan sa panahon ng kalamidad.

Ilan pa sa kanyang paalala ang regular na pagpapasuri ng mga bahay at gusali, pagkakaroon ng first aid kit, fire extinguishers, at sapat na suplay ng tubig, gayundin ang aktibong pakikilahok sa earthquake drills at rescue trainings.

Nanawagan din ang obispo ng pakikiisa sa pagtulong sa mga biktima ng lindol, kabilang ang pagbabahagi ng donasyon para sa mga nasalanta.

Hinimok din ni Bishop Corsiga ang lahat na mag-alay ng panalangin para sa mga nasawi at mga naulilang pamilya.

“Let us ask God to break the light of each day that those who live in the darkness of suffering, may come to grow hope in their hearts to see the blessing of tomorrow,” dagdag pa ni Bishop Corsiga.

Samantala, iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na mahigit 300 aftershocks na ang naitala kasunod ng malakas na lindol, habang ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay higit 60 na ang nasawi at inaasahang madaragdagan pa habang nagpapatuloy ang search and rescue operations.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 123,883 total reads

 123,883 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 155,613 total reads

 155,613 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 257,440 total reads

 257,440 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 297,997 total reads

 297,997 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 313,339 total reads

 313,339 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 139,492 total reads

 139,492 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top