Hatag Paglaum, inilunsad ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,253 total views

Inilunsad ng Archdiocese of Cebu ang Hatag Paglaum, isang fundraising initiative para sa mga biktima ng magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa Northern Cebu.

Ayon kay Archbishop Alberto Uy, mahalaga ang nasabing proyekto lalo na sa krisis na kinakaharap ng mga nasalanta, at higit pa ngayong ipinagdiriwang ng simbahan ang Jubilee Year of Hope.
“We want to give hope to the survivors of the earthquake in Cebu by giving our help, pwede in-kind or in cash, any amount will do,” ayon kay Archbishop Uy.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang pangalan ng kampanya ay hindi lamang simbolo, kundi panawagan sa lahat na magkaisa.

“So ang atong fundraising drive Hatag Paglaum gidasig namo ang tanan—ma kabos man o adunahan, gamay’ng tawo o dakong tawo—nga mohatag tag paglaum sa atong mga kaigsoonan nga nabiktima sa linog.”

Dagdag pa ni Archbishop Uy, ang pagtulong ay isang panawagan ng pananampalataya.

“Ang paglaum ug ang paghatag is a Christian calling nga matag-usa nato gidasig kita sa Ginoo nga mohatag sa kaugalingon, sa panahon, ug kaha sa mga grasya nga naa nato ipaambit gyud nato,” saad ng arsobispo.

[Ang pag-asa at ang pagbibigay ay isang Christian calling na tayo ay hinimok ng Panginoon na ialay ang ating sarili, panahon, at mga biyaya upang tunay na maibahagi sa kapwa.]

Katuwang ng arkidiyosesis ang Cebu Caritas, ang social action arm ng simbahan, at ang LH Foundation, na kilala na sa pagtulong lalo na sa mga programang pangkalamidad.

Maaaring magbigay ng donasyon sa iba’t ibang paraan—cash, in-kind donations, o pagpili ng relief kits sa kanilang website. Kabilang dito ang:

Medicine kit (₱500): pangunahing gamot at medikal na pangangailangan
Family kit (₱1,000): bigas, canned goods, noodles, tubig, sabon, at iba pa
Household kit (₱1,500): flashlight, banig, kumot, at mosquito net
Tent kit (₱2,000): tent para sa mga evacuees na nawalan ng tirahan
Bereavement Fund (any amount) na ibibigay sa mga pamilyang naulila dahil sa lindol.

Para sa cash donations, maaari itong ideposito sa Cebu Caritas, Inc. (Metrobank Peso Account No. 308-7-308702495).

Hinihikayat din ang magbibigay ng donasyon na ipadala ang deposit slip sa [email protected] para sa maayos na pagtala at acknowledgement.

Maaring bisitahin ang official facebook page ng Hatag Paglaum

o sa kanilang website na https://hatag-paglaum.myt-smartforms.com/ para sa karagdagang detalye.

Kasabay nito, nagbabala ang arsobispo laban sa mga scam online.

“Daghan kaayong scammers karong panahona, magbantay gyud ta. Ang Cebu Caritas Inc mao ni siyay social action arm sa Archdiocese of Cebu,” giit ni Archbishop Uy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 73,637 total views

 73,637 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 91,537 total views

 91,537 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 138,103 total views

 138,103 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

No work but with pay?

 125,259 total views

 125,259 total views Mga Kapanalig, maraming manggagawang kapag hindi pumasok, hindi susuwelduhan. Pero bakit tila iba ang patakaran kapag ikaw ay nasa mataas na posisyon sa

Read More »

Hawak mo ang bill!

 141,208 total views

 141,208 total views Mga Kapanalig, kasing-init din ba ng panahon ang inyong ulo nang makita ang inyong bill sa kuryente?  Dito sa Metro Manila at mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top