Special collection para sa mamamayan ng Cebu, isasagawa ng Archdiocese of Davao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,304 total reads

Nanawagan si Archbishop Romulo Valles ng Archdiocese of Davao ng isang special collections sa lahat ng parokya at kapilya bilang tulong para sa mga biktima ng malakas na lindol na tumama sa Cebu noong gabi ng Setyembre 30, 2025.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Archbishop Valles na ang malakas na lindol ay nagdulot ng malaking pinsala, pagkawala ng buhay, at nag-iwan ng libo-libong pamilyang nangangailangan ng agarang tulong.

Bilang tugon, inatasan ng Arsobispo ang lahat ng kura paroko at chaplain ng mga kapilya na magsagawa ng special collection sa lahat ng Misa — kabilang ang anticipated Masses — ngayong Linggo, Oktubre 5, 2025.

Ang lahat ng malilikom ay agad na ipapadala sa Finance Office ng Archdiocese of Davao para maipadala kaagad sa Archdiocese of Cebu.

Bukod sa koleksyon, maaari ring magbigay ng cash donations ang mga indibidwal at institusyon.

Ang mga makakalap na kontribusyon ay maaaring idiretso sa calamity fund account ng Archdiocese of Davao sa BDO Davao – Woodlane Diversion Road branch, sa pangalan ng The Roman Catholic Bishop of Davao, Inc., may account number na 01407013680. Maaari ring dalhin ang mga donasyon sa Finance Office ng Archbishop’s Residence sa F. Torres Street, Davao City.

“I am deeply grateful for your immediate and generous response to this call of solidarity with our brothers and sisters in Cebu,” ayon pa kay Archbishop Valles.

Tiniyak ng arsobispo na ang lahat ng malilikom na donasyon ay agad na ipapadala sa Archdiocese of Cebu upang makatulong sa agarang pangangailangan ng mga nasalanta.

Sa pinakahuling ulat, umaabot na 72 katao ang nasawi sa 6.9 magnitude na lindol sa lalawigan ng Cebu kung saan ang pinakasentro ay naganap sa Bogo City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang balde

 16,776 total reads

 16,776 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 122,739 total reads

 122,739 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 208,849 total reads

 208,849 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 278,981 total reads

 278,981 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 311,918 total reads

 311,918 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top