Hindi lahat ng legal ay moral.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 820 total reads

Balanga,Bataan,Philippines–Ito ang paninindigan ni CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples chairman at Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos matapos na maaprubahan sa Kamara ang House Bill 4727 o ang Reimposition of Death Penalty.

Ayon kay Bishop Santos, inilagay sa kamay ng nasa 217 kongresista na pumabor sa parusang kamatayan ang dahas ng pagkitil ng buhay at ang hindi pagkilala sa kasagraduhan nito.

Sinabi ng Obispo na sa desisyong ito ng mga mambabatas ay inilagay din nila sa alanganin ang kalagayan ng nasa mahigit na pitumpung Overseas Filipino Workers na nasa death row dahil nawala na rin ang “moral ascendancy” ng bansa upang ipanawagan ang kanilang kalayaan.

“It is very sad and sorrowful event in our country. They took matters in their hands, and blood will be in their hands. They took away the sanctity of life, acted like God. It is sinful. Remember then, not everything legal is moral. With their decision, they have given death sentence to our imprisoned OFW. What is now our moral ascendancy to ask for clemency wherein our government imposes death penalty?”pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.

Magpapatuoy naman aniya ang kanilang komisyon sa pagsusulong ng kasagraduhan at pagkilala sa dignidad ng buhay.

Hindi rin sila magpapatinag upang mailigtas rin ang ilang mga OFWs na nasa death row.

“We, CBCP ECMI will continue to fight for sacredness and respect for life. We work hard to promote and preserve life. And let us pray for their change of hearts.” Giit pa ni Bishop Santos sa Veritas Patrol.

Nauna rito, ipinanawagan ni CBCP at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang patuloy ang pagdarasal sa 24 na mga Senador na sila ay maliwanagan at ibasura ang parusang bitay.

Muli namang nanawagan ng people power laban sa parusang kamatayan ang Buhay Partylist.

read: https://twitter.com/Veritasph?ref_src=twsrc%5Etfw
(Romeo Ojero)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 126,064 total reads

 126,064 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,107 total reads

 263,107 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,882 total reads

 378,882 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 494,137 total reads

 494,137 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top