Kalagayan ng Cebu, ipinagkatiwala ni Archbishop Uy sa panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,853 total reads

Lubos na ipinagkatiwala ni Cebu Archbishop Alberto Uy sa Panginoon ang kasalukuyang kalagayan ng Archdiocese of Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol na yumanig sa lalawigan kamakailan.

Sa kabila ng hirap at pinsalang dulot ng kalamidad, nananatiling matatag ang pananampalataya ng arsobispo na hindi sila pababayaan ng Diyos.
Patuloy rin ang kanyang panawagan sa mamamayan na magtulungan at tumugon sa pangangailangan ng mga lubhang apektado ng sakuna.

“I am not afraid because I know God is working with us… We encourage our people to help with our Hatag Paglaum fundraising campaign for earthquake survivors,” pahayag ni Archbishop Uy sa panayam ng Radyo Veritas.

Ang Hatag Paglaum, inisyatibo ng Archdiocese of Cebu sa pangunguna ng Caritas Cebu katuwang ang LH Foundation, ay naglalayong makalikom ng mga donasyong cash o in-kind para sa mga komunidad sa Northern Cebu na labis na naapektuhan ng pagyanig.

Sa kasalukuyan, nagsimula na ang pamamahagi ng Hatag Paglaum ng tulong tulad ng medicine kits, family kits, household kits, tent kits, at bereavement assistance para sa mga nawalan ng mahal sa buhay dahil sa lindol.

Ayon kay Archbishop Uy, malaki pa ang hamon na kakaharapin ng mga Cebuano, lalo na sa proseso ng pagsasaayos at muling pagbangon ng mga simbahan at komunidad.

“We are still in the first phase of our relief operations. But the bigger work will be our churches’ rehabilitation and rebuilding,” dagdag pa ng arsobispo.

Nanawagan din si Archbishop Uy sa mga pari, lalo na sa mga lugar na direktang tinamaan ng lindol, na maging kasangkapan ng pag-asa at kalinga sa mga mamamayan.

“I ask our priests to continue saying Mass, to visit affected families, and to listen to them in their pain and struggle… We can give spiritual and moral support to our victims. The most important thing is that our help must be based on who needs it most — regardless of religion, regardless of political color,” aniya.

Mula nang ilunsad ang kampanya, nakalikom na ang Hatag Paglaum ng mahigit ₱5 milyon sa cash at in-kind donations. Patuloy pa rin ang pagtanggap ng tulong sa pamamagitan ng mga bank accounts na nakasaad sa kanilang official Facebook page, Hatag Paglaum.

Binigyang-diin ng arsobispo ang pag-iingat sa mga scammer na maaaring samantalahin ang sitwasyon.

Aniya, mahalagang tiyakin na lehitimo ang mga tatanggap ng donasyon, lalo na pagdating sa tulong pinansyal.

Sa kasalukuyan, ang Hatag Paglaum ay nakabase sa Pope John XXIII Seminary Gymnasium sa Mabolo, Cebu City, at tumatanggap ng donasyon mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM araw-araw.

Tiniyak din ni Archbishop Uy ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan, sa pangunguna ni Cebu Governor Pamela Baricuatro, upang matiyak ang maayos na pamamahagi ng tulong at ang transparency at accountability ng simbahan sa lahat ng donasyong ipinagkatiwala sa kanila.

“We have to be accountable. Kasi tayo sa simbahan, we question people in government. So sabi ko, tayo sa simbahan mauna. We have to be accountable,” giit ng arsobispo.

Environmental advocates, kinilala ng PMPI

 21,803 total reads

 21,803 total reads Iginiit ng Philippine Misereor Partnership Incorporated o PMPI na bahagi ng makataong pagtugon sa mga krisis ang pangangalaga sa kalikasan, kasabay ng paggunita

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 53,907 total reads

 53,907 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 114,404 total reads

 114,404 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 133,775 total reads

 133,775 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 214,429 total reads

 214,429 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 313,728 total reads

 313,728 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top