CGG, nanindigang katarungan at pananagutan muna bago ang snap election

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,823 total views

Nanawagan ang Clergy for Good Governance (CGG) na unahin muna ang katarungan at pananagutan sa katiwalian bago pag-usapan ang halalan.

Ayon sa grupo, hindi snap election ang solusyon sa krisis ng bansa kundi paggising ng budhi at pananagutan ng mga namumuno.

“The answer to corruption is not a snap election—it is a snap of conscience,” ayon sa pahayag ng mga pari.

Ayon sa CGG, bilang mga pari, batid nila ang tunay na kalagayan ng mga karaniwang Pilipino—ang inang kailangang mamili sa pagitan ng pagkain at gamot, ang amang nahihiyang hindi mapag-aral ang anak, at ang mga pamilyang napipilitang mangibang-bansa dahil sa kawalan ng pag-asa sa sariling bayan.

Hiniling ng grupo na managot ang lahat ng sangkot sa pandarambong, anuman ang kanilang katayuan sa gobyerno.

“Do justice first for our people. Let them face the law, stay behind bars, and be perpetually disqualified from office,” ayon pa sa pahayag.

Giit ng mga pari, bawat pisong ninakaw sa pondo ng bayanay may katumbas na buhay at paghihirap ng mga Pilipino.

“Every stolen peso has a face, a name, a soul crying out to God.”

Ipinalala rin ng grupo ng mga pari sa mga pinuno na pansamantala lang ang kapangyarihan, ngunit ang katarungan ay walang hanggan.

Ayon pa sa pahayag ng CGG, “We do this not to shame, but to save, to call them back before it is too late.”

Dagdag pa ng grup, hindi sila titigil sa pananalangin at panawagan laban sa katiwalian.

“We will pray, but we will not be silent. Repentance must be seen in reform, not rhetoric. Justice must rise before elections.”

Iginiit pa ng CGG na higit sa halalan, kailangan ng bansa ng katotohanan, katarungan, at pagbabago ng puso.

“The Philippines does not need a snap election. It needs truth, justice, and a conversion of hearts.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 55,894 total views

 55,894 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 77,899 total views

 77,899 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 102,241 total views

 102,241 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 125,280 total views

 125,280 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 156,800 total views

 156,800 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top