Tema ng Santo Niño 2026, ibinahagi sa publiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,853 total reads

Ibinahagi na ng Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño sa Tondo, Maynila ang opisyal na tema para sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Panginoong Hesus, ang Santo Niño 2026.

100-araw bago ang pagdiriwang ng Pista ng Mahal na Poong Santo Niño ng Tondo sa ika-18 ng Enero, 2025 ay inihayag ng pang-arkidiyosesanong dambana ang temang “Sto. Niño: Huwaran ng Kababaang-Loob tungo sa Kadakilaan ng Diyos” (Lucas 9:48).

Ang tema ay isinapubliko kasabay ng paggunita ng “100 Araw Bago ang Kapistahan” ng Mahal na Poong Santo Niño noong ika-10 ng Oktubre, 2025 bilang paghahanda sa Pistang Bayan na gaganapin sa Enero 18, 2026.

Binibigyang-diin ng tema na nakabatay sa Ebanghelyo ni San Lucas na ang tunay na kadakilaan ay nasusumpungan sa kababaang-loob, tapat na paglilingkod, at pagsunod sa kalooban ng Diyos, kung saan dapat na iwaksi ang kayamanan, kapangyarihan, o katanyagan.

“Sa ating pagdiriwang ng Pistang Bayan sa ika-18 ng Enero 2026 sa karangalan ng Mahal na Poong Santo Niño ng Tundo, patuloy nating ipagbunyi ang Diyos na nagpakababa upang tayo’y iligtas. Ang tema ng kapistahan sa taong 2026 ay hango sa Ebanghelyo ni San Lucas, na nagtuturo sa atin na ang tunay na kadakilaan ay hindi nasusumpungan sa kayamanan, kapangyarihan o katanyagan, kundi sa mapagpakumbabang paglilingkod at tapat na pagsunod sa kalooban ng Diyos Ama.” Bahagi ng pahayag ng Archdiocesan Shrine and Parish of Santo Niño sa Tondo, Maynila.

Sa pagdiriwang ng kapistahan, inanyayahan ng parokya ang mga deboto na patuloy na ipagbunyi ang Diyos na nagpakababa upang iligtas ang sangkatauhan, at tularan ang kababaang-loob ng Batang Hesus na ‘nakipamuhay sa atin’.

Binigyang-diin din sa mensahe ng dambana na sa pamamagitan ng pamimintakasi sa Santo Niño ay mahubog sa mga mananampalataya ang malalim na pananampalataya, kababaang-loob, at dalisay na pag-ibig na mga biyayang umaakay sa kabanalan at sa kadakilaan ng Diyos.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 17,405 total reads

 17,405 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 38,006 total reads

 38,006 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 107,831 total reads

 107,831 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 193,199 total reads

 193,199 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 239,935 total reads

 239,935 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 287,807 total reads

 287,807 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 386,327 total reads

 386,327 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top