Pahalagahan ang kultura at pangangalaga ng mga katutubo sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,148 total reads

Hinimok ni Calapan Bishop Moises Cuevas, incoming chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples, ang mamamayan na makiisa sa adhikain ng mga katutubong sa pagtatanggol ng kanilang karapatan sa lupaing ninuno at pangangalaga sa kalikasan.

Sa pagninilay sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples’ Sunday sa Sto. Nino Cathedral, Calapan City, Oriental Mindoro, inihalintulad ni Bishop Cuevas ang isinagawang Lakad-Padyak para sa Katutubo at Kalikasan sa isang paglalakbay ng pananampalataya, isang konkretong paraan ng pagpapahayag ng tiwala, pag-asa, at pagkilos tungo sa pagkakaisa at katarungan..

“Ang paglalakad ay tanda ng pananampalataya sapagkat ang taong lumalakad ay umaasa kahit hindi pa nakikita ang dulo ng daan… Ang pagpadyak ay tanda ng pagkilos at pagpupunyagi sapagkat bawat pag-ikot ng gulong ay hakbang ng pagtityaga kahit paakyat o mabigat na daan. Kaya ang Lakad-Padyak ay larawan ng ating buhay-pananalig—pananampalatayang kumikilos,” ayon kay Bishop Cuevas.

Binigyang-diin ng obispo na bagama’t ang mga katutubo ang pangunahing tagapangalaga ng kalikasan, sila rin ang higit na naaapektuhan ng kawalang-katarungan dulot ng pagmimina at iba pang mapaminsalang proyekto.

Ibinahagi rin ni Bishop Cuevas na nananatiling mabagal ang proseso ng pagbibigay ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT), na sa Occidental Mindoro na lamang ay umabot pa ng dalawang dekada bago tuluyang maibigay, habang milyon-milyong ektarya ng lupaing ninuno ang patuloy na nalalagay sa panganib.

Tinukoy ng obispo ang paalala ng yumaong si Pope Francis sa Laudato Si’ na kilalanin at pahalagahan ang kultura at pananampalataya ng mga katutubo na itinuturing ang lupa bilang banal na pamana at kaloob ng Diyos.

Ipinaliwanag din ng susunod na pinuno ng CBCP-ECIP na ang isinagawang paglalakbay ng mga katutubo mula Batangas patungong Boracay Island at Oriental Mindoro ay hindi lamang kilos-protesta kundi makapropetang paglalakbay na nagdadala ng panawagan at pag-asa.

“It’s prophetic, not protest… Sa bawat hakbang sa paglakad, at sa bawat ikot ng gulong sa pagpadyak, dala po ‘yung panawagan. Tayo po ay humihiyaw na sana ay mag-alingawngaw—ipagtanggol ang lupaling ninuno, itaguyod ang karapatan ng mga katutubo, at isulong ang makakalikasang kaunlaran,” giit ni Bishop Cuevas.

Nanawagan si Bishop Cuevas sa simbahan at sambayanan na maging simbahang nakikilakbay, nakikinig, at kumikilos para sa katarungan, kapayapaan, at pangangalaga ng kalikasan.

“Ito ang ating tugon. Ito ang tinig na nagbibigay pag-asa. Ito ang pananampalatayang kumikilos—ang Lakad-Padyak para sa Katutubo at Kalikasan,” saad ni Bishop Cuevas.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,336 total reads

 10,336 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,730 total reads

 65,730 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,095 total reads

 151,095 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,832 total reads

 197,832 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,704 total reads

 245,704 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 346,431 total reads

 346,431 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 170,270 total reads

 170,270 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top