Integridad ng ICI, pinuna ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,893 total views

Pinuna ng Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang integridad ng Independent Commission on Infrastructure  o ICI matapos ang hindi pagdalo ng mga Discaya sa imbestigasyon ng independent body.

Ayon kay CBCP president Cardinal Pablo Virgilo David, sinabi niyang tila walang kapangyarihan ang ICI kung kayang balewalian ang imbestigasyong ipapatawag ng tanggapan.

“Toothless ICI? How will we believe in the capacity of ICI to investigate if they can simply be snubbed by the Discayas?,” ayon sa Facebook post ni Cardinal David.

Giit pa ni Cardinal David, kung kayang balewalain ng mga iniimbestigahan ang mga ipinapatawag ng ICI, mababawasan ang tiwala ng publiko sa kakayahan nitong magpatupad ng katarungan at kapangyarihan ng batas.

Dagdag pa ng obispo ng Kalookan, kailangang patunayan ng ICI na may kapangyarihan ito at kayang ipatupad ang batas nito upang maipakita na seryoso ang pamahalaan sa paglaban sa katiwalian at paniningil ng pananagutan.

Ang reaksyon ay kaugnay na rin sa ulat na hindi pagdalo ng mag-asawang Curlee at Sara Discaya sa isinasagawang imbestigasyon ng ICI.

Ang mag-asawang Discaya ay ang pangunahing isinasangkot sa mga iregularidad at katiwalian sa flood control projects ng Department if Public Works and Highways.

Sa ulat, ipinabatid ng mga Discaya sa pamamagitan ng kanilang abogado na hindi na ang mga ito makikipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng ICI.

Sa panig naman ni Bicol Saro Partylist Representative Terry Ridon, na hindi maaring nakadepende ang pakikipagtulungan ng mga tao sa ICI sa pangakong bibigyan sila ng kapalit tulad ng immunity o proteksyon bilang testigo ng estado.

Sa halip aniya ay dapat silang makipagtulungan dahil gusto nilang isiwalat ang katotohanan.

Sa kabila nito, sinabi rin ng mambabatas, na hindi karapat-dapat ang mag-asawang Discaya na maging state-witness.

“In any case, the Discayas cannot even be considered as prospective state witness as they are main principals in the massive plunder of public funds implemented through their construction firms,” ayon pa kay Ridon ang lead chairman ng House InfraComm na una na ring nagsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa iregulirad sa flood control projects na kinasasangkutan ng mga Discaya, ilang mambabatas sa Kongreso at mga dating opisyal ng DPWH.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 50,837 total views

 50,837 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 83,919 total views

 83,919 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 112,270 total views

 112,270 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 180,002 total views

 180,002 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 199,609 total views

 199,609 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top