Pahalagahan ang kultura at pangangalaga ng mga katutubo sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,827 total views

Hinimok ni Calapan Bishop Moises Cuevas, incoming chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples, ang mamamayan na makiisa sa adhikain ng mga katutubong sa pagtatanggol ng kanilang karapatan sa lupaing ninuno at pangangalaga sa kalikasan.

Sa pagninilay sa pagdiriwang ng Indigenous Peoples’ Sunday sa Sto. Nino Cathedral, Calapan City, Oriental Mindoro, inihalintulad ni Bishop Cuevas ang isinagawang Lakad-Padyak para sa Katutubo at Kalikasan sa isang paglalakbay ng pananampalataya, isang konkretong paraan ng pagpapahayag ng tiwala, pag-asa, at pagkilos tungo sa pagkakaisa at katarungan..

“Ang paglalakad ay tanda ng pananampalataya sapagkat ang taong lumalakad ay umaasa kahit hindi pa nakikita ang dulo ng daan… Ang pagpadyak ay tanda ng pagkilos at pagpupunyagi sapagkat bawat pag-ikot ng gulong ay hakbang ng pagtityaga kahit paakyat o mabigat na daan. Kaya ang Lakad-Padyak ay larawan ng ating buhay-pananalig—pananampalatayang kumikilos,” ayon kay Bishop Cuevas.

Binigyang-diin ng obispo na bagama’t ang mga katutubo ang pangunahing tagapangalaga ng kalikasan, sila rin ang higit na naaapektuhan ng kawalang-katarungan dulot ng pagmimina at iba pang mapaminsalang proyekto.

Ibinahagi rin ni Bishop Cuevas na nananatiling mabagal ang proseso ng pagbibigay ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT), na sa Occidental Mindoro na lamang ay umabot pa ng dalawang dekada bago tuluyang maibigay, habang milyon-milyong ektarya ng lupaing ninuno ang patuloy na nalalagay sa panganib.

Tinukoy ng obispo ang paalala ng yumaong si Pope Francis sa Laudato Si’ na kilalanin at pahalagahan ang kultura at pananampalataya ng mga katutubo na itinuturing ang lupa bilang banal na pamana at kaloob ng Diyos.

Ipinaliwanag din ng susunod na pinuno ng CBCP-ECIP na ang isinagawang paglalakbay ng mga katutubo mula Batangas patungong Boracay Island at Oriental Mindoro ay hindi lamang kilos-protesta kundi makapropetang paglalakbay na nagdadala ng panawagan at pag-asa.

“It’s prophetic, not protest… Sa bawat hakbang sa paglakad, at sa bawat ikot ng gulong sa pagpadyak, dala po ‘yung panawagan. Tayo po ay humihiyaw na sana ay mag-alingawngaw—ipagtanggol ang lupaling ninuno, itaguyod ang karapatan ng mga katutubo, at isulong ang makakalikasang kaunlaran,” giit ni Bishop Cuevas.

Nanawagan si Bishop Cuevas sa simbahan at sambayanan na maging simbahang nakikilakbay, nakikinig, at kumikilos para sa katarungan, kapayapaan, at pangangalaga ng kalikasan.

“Ito ang ating tugon. Ito ang tinig na nagbibigay pag-asa. Ito ang pananampalatayang kumikilos—ang Lakad-Padyak para sa Katutubo at Kalikasan,” saad ni Bishop Cuevas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Labanan ang climate disinformation

 17,082 total views

 17,082 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 38,357 total views

 38,357 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Hindi sapat ang bayanihan

 211,705 total views

 211,705 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 232,686 total views

 232,686 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top