Integridad ng ICI, pinuna ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,140 total reads

Pinuna ng Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang integridad ng Independent Commission on Infrastructure  o ICI matapos ang hindi pagdalo ng mga Discaya sa imbestigasyon ng independent body.

Ayon kay CBCP president Cardinal Pablo Virgilo David, sinabi niyang tila walang kapangyarihan ang ICI kung kayang balewalian ang imbestigasyong ipapatawag ng tanggapan.

“Toothless ICI? How will we believe in the capacity of ICI to investigate if they can simply be snubbed by the Discayas?,” ayon sa Facebook post ni Cardinal David.

Giit pa ni Cardinal David, kung kayang balewalain ng mga iniimbestigahan ang mga ipinapatawag ng ICI, mababawasan ang tiwala ng publiko sa kakayahan nitong magpatupad ng katarungan at kapangyarihan ng batas.

Dagdag pa ng obispo ng Kalookan, kailangang patunayan ng ICI na may kapangyarihan ito at kayang ipatupad ang batas nito upang maipakita na seryoso ang pamahalaan sa paglaban sa katiwalian at paniningil ng pananagutan.

Ang reaksyon ay kaugnay na rin sa ulat na hindi pagdalo ng mag-asawang Curlee at Sara Discaya sa isinasagawang imbestigasyon ng ICI.

Ang mag-asawang Discaya ay ang pangunahing isinasangkot sa mga iregularidad at katiwalian sa flood control projects ng Department if Public Works and Highways.

Sa ulat, ipinabatid ng mga Discaya sa pamamagitan ng kanilang abogado na hindi na ang mga ito makikipagtulungan sa isinasagawang imbestigasyon ng ICI.

Sa panig naman ni Bicol Saro Partylist Representative Terry Ridon, na hindi maaring nakadepende ang pakikipagtulungan ng mga tao sa ICI sa pangakong bibigyan sila ng kapalit tulad ng immunity o proteksyon bilang testigo ng estado.

Sa halip aniya ay dapat silang makipagtulungan dahil gusto nilang isiwalat ang katotohanan.

Sa kabila nito, sinabi rin ng mambabatas, na hindi karapat-dapat ang mag-asawang Discaya na maging state-witness.

“In any case, the Discayas cannot even be considered as prospective state witness as they are main principals in the massive plunder of public funds implemented through their construction firms,” ayon pa kay Ridon ang lead chairman ng House InfraComm na una na ring nagsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa iregulirad sa flood control projects na kinasasangkutan ng mga Discaya, ilang mambabatas sa Kongreso at mga dating opisyal ng DPWH.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,276 total reads

 10,276 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 65,664 total reads

 65,664 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,029 total reads

 151,029 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 197,766 total reads

 197,766 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 245,638 total reads

 245,638 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 346,370 total reads

 346,370 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top