Pagkilos para sa reporma at moral change,apela ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,017 total reads

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos ng sama-samang pagkilos para sa “reporma at pagbabagong moral” sa gitna ng patuloy na paglaganap ng korapsyon sa bansa, na aniya ay hindi lamang usaping pampulitika kundi “isang sugat sa kaluluwa ng sambayanan.”

Ayon sa obispo, ang katiwalian ay sumisira sa dangal ng tao, nagpapalabo sa katarungan, at nagpapahina sa kabutihang panlahat.

Binigyang-diin ni Bishop Santos na tungkulin ng Simbahan na manindigan at magsalita kapag “ang kaluluwa ng bansa ay nasa panganib.”

Kabilang sa mga pangunahing panawagan ni Bishop Santos ang pagpapalakas ng values-based education upang mahubog ang konsensya ng mamamayan mula pagkabata.

“A society that prizes competence without character will always be vulnerable to corruption,” ayon kay Bishop Santos.

Binanggit din ng obispo ang kahalagahan ng malayang hudikatura at matatag na mga institusyon ng pananagutan gaya ng Ombudsman at Commission on Audit, na dapat “protektahan laban sa panghihimasok ng politika upang makapagsagawa ng imbestigasyon at parusa nang walang kinikilingan.”

Binigyang-pansin din ng obispo ang pangangailangan ng mas matibay na proteksyon para sa mga whistleblower at mamamahayag na nagsisiwalat ng katiwalian.

“Those who speak truth to power deserve protection, not punishment,” ani Bishop Santos, kasabay ng paalala na ang mga whistleblower ay dapat kumilos nang may integridad at katapatan sa katotohanan.

Ipinanawagan din niya ang reporma sa campaign finance upang matiyak ang patas at malinis na halalan.

“Elections should not be auctions where the highest bidder wins, but sacred moments of discernment for the nation,” ayon pa sa obispo.

Bilang bahagi ng pagbabago, hinikayat ng obispo ang mga barangay, parokya, at lokal na komunidad na aktibong makilahok sa pagbabantay ng mga proyekto ng pamahalaan at paniningil ng pananagutan sa mga pinuno.

Ngunit higit sa lahat, iginiit ni Bishop Santos na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa puso. “No law or policy can substitute for the conversion of the human heart.”

Para sa obispo, ang laban kontra korapsyon ay hindi lamang laban ng pamahalaan kundi ng bawat mamamayang Pilipino na may malasakit sa katotohanan, katarungan, at dangal ng bayan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 8,920 total reads

 8,920 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 63,602 total reads

 63,602 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 148,967 total reads

 148,967 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 195,704 total reads

 195,704 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 243,576 total reads

 243,576 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 344,397 total reads

 344,397 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top