Isabuhay ang halimbawa ni San Pedro Calungsod, paanyaya ni Archbishop Uy sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,138 total reads

Hinimok ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na isabuhay ang halimbawa ni San Pedro Calungsod, isang kabataang nanindigan sa pananampalataya at nag-alay ng buhay para sa Diyos.

Sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Pedro Calungsod, ipinaalala ng arsobispo ang kabayanihan at katatagang ipinamalas ng batang santo na naglingkod bilang misyonerong katekista sa Marianas Islands.

“St. Pedro Calungsod reminds us that faith is not proven by words, but by courage. He was young, but brave. He was ordinary, but his love for God made him extraordinary,” ani Archbishop Uy.

Binigyang-diin ni Archbishop Uy na ang pagsunod kay Hesus ay hindi madali, sapagkat kaakibat nito ang mga sakripisyong dinanas mismo ni Kristo.

“Following Jesus today doesn’t always mean dying as a martyr. But it always means loving as He loved even when it hurts. Let us carry our crosses not with fear, but with love,” dagdag pa ng arsobispo.

Ayon sa kanya, ang pagiging Kristiyano ay nangangahulugang araw-araw na pagdadala ng sariling krus nang may pananampalataya at pag-ibig.

Partikular ding hinikayat ni Archbishop Uy ang mga kabataan na huwag ipagpaliban ang pagsunod kay Hesus sapagkat hindi nakabase sa edad ang kabanalan kundi sa katapatan ng puso sa paggawa ng mabuti.

“Even in your youth, you can already make a difference. Like Pedro, offer your life, your time, your talents to God,” paalala ng arsobispo.

Dagdag ng arsobispo, maaaring tularan si San Pedro Calungsod sa mga simpleng paraan tulad ng pagiging mabuti, magalang, mapagkawanggawa, at madasalin sa araw-araw na buhay.

Si San Pedro Calungsod ay ipinanganak sa Visayas at piniling iwan ang maginhawang buhay upang magmisyon kasama ni Fr. Diego Luis de San Vitores, isang paring Heswita. Sa kanilang misyon sa Guam, naglingkod siya sa mga katutubong Chamorro sa pamamagitan ng pagtuturo ng pananampalataya at pagtulong sa mga mahihirap at maysakit.

Noong Abril 2, 1672, habang nagbibinyag ng isang sanggol, pinaslang siya ng mga katutubong tumutol sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

Taong 2000 nang siya ay beatipikahan ni St. John Paul II, at noong Oktubre 21, 2012, ay ganap na naidagdag sa hanay ng mga banal sa pamamagitan ng canonization ni Pope Benedict XVI.

Itinuturing si San Pedro Calungsod bilang Patron ng Kabataan, ng mga Katulong sa Misyon, at ng mga Pilipinong Migrante.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 21,090 total reads

 21,090 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 58,609 total reads

 58,609 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 76,820 total reads

 76,820 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 161,148 total reads

 161,148 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 197,527 total reads

 197,527 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 2,834 total reads

 2,834 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top