Franciscans, nakikiisa sa mamamayan ng Dupax del Norte sa pagtutol sa pagmimina ng Woggle Corporation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,382 total reads

Ipinahayag ng Order of Friars Minor (Franciscans) Philippines ang pakikiisa sa mga residente ng Dupax del Norte, Nueva Vizcaya sa pagtatanggol ng kanilang lupain, kabuhayan, at pamanang kultural laban sa eksplorasyon ng Woggle Corporation.

Ayon kay OFM Minister Provincial Fr. Lino Gregorio Redoblado, ang presensiya ng mga Franciscano sa Diyosesis ng Bayombong ay hindi lamang administratibo kundi pastoral na nakaugat sa pakikibahagi sa buhay, pag-asa, at pakikipaglaban ng mga mamamayan.

“We breathe the same air, walk the same soil, and share in the hopes and wounds of the people entrusted to our care. Because we live among them, we cannot be indifferent,” ayon kay Fr. Redoblado.

Kinikilala rin ng mga Franciscano ang panawagan ni Bishop Jose Elmer Mangalinao na igalang ang lupa bilang tanda ng pagkakakilanlan at tipan—isang pananaw na kaakibat ng espirituwalidad ni San Francisco na itinuturing ang kalikasan bilang “kapatid na Inang lupa” na dapat pangalagaan at hindi pagsamantalahan.

Nananawagan ang mga Franciscano ng agarang pagpapatigil at pagbawi ng lahat ng aktibidad sa pagmimina at eksplorasyon na isinagawa nang walang tunay na Free, Prior, and Informed Consent (FPIC).

Iginiit ni Fr. Redoblado na ang mga proyektong hindi kumikilala sa karapatan at dignidad ng tao ay hindi lamang mapaminsala sa kalikasan kundi labag din sa moralidad at pananampalataya.

“We are not outsiders commenting from afar; we are brothers living among the flock. Their struggle is part of our ministry; their safeguarding of the land is also our Gospel witness,” giit ni Fr. Redoblado.

Hinikayat din ng pari ang buong Franciscan community—mga pari, madre, layko, at kabataan—na patatagin ang pagkakaisa at pagkalinga sa kalikasan, sapagkat ang pangangalaga sa sangnilikha ay pagtalima rin sa Ebanghelyo at sa Diyos ng katarungan.

“For in standing with Dupax del Norte, we stand with the God of justice, with the wounds of creation, and with the future of our common home,” dagdag ni Fr. Redoblado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 81,253 total reads

 81,253 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,694 total reads

 115,694 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 150,994 total reads

 150,994 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 377,263 total reads

 377,263 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 266,308 total reads

 266,308 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,216 total reads

 155,216 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top