Pope Leo XIV: ‘War is never holy’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 45,588 total views

Nanawagan si Pope Leo XIV para sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga bansa at relihiyon sa pandaigdigang pagtitipon ng Community of Sant’Egidio na ginanap sa Colosseum sa Roma.

Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga lider mula sa iba’t ibang relihiyon—Kristiyano, Muslim, Hudyo, Budista, at Hindu—bilang bahagi ng taunang Meeting for Peace: Religions and Cultures in Dialogue.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Pope Leo na ang tunay na kapayapaan ay bunga ng pagkakasundo at pag-uunawaan, hindi ng digmaan o karahasan.

“We have prayed for peace according to our diverse religious traditions and we are now gathered together to proclaim a message of reconciliation. Conflicts are present in all parts of life, but war is no help in dealing with them or finding solutions. Peace is a constant journey of reconciliation,” ayon sa mensahe ng Santo Papa.

Ayon pa sa pinunong pastol, ang pananalangin at pag-uusap ang pinakamabisang daan tungo sa pagkakaisa ng sangkatauhan.

Nagbabala rin ang Santo Papa sa mga taong gumagamit ng relihiyon para bigyang-katwiran ang karahasan, at ipinaalala na ang tunay na pananampalataya ay dapat magbukas ng puso at magdala ng pag-ibig at pagkakasundo.

Kasabay ng paggunita sa ika-60 anibersaryo ng Nostra Aetate, ang dokumentong nagtataguyod ng diyalogo sa pagitan ng mga relihiyon, ipinaalala ni Pope Leo na tungkulin ng bawat tao at pinuno na itaguyod ang kapayapaan at labanan ang pagkamuhi at pagkakawatak-watak.

Nanawagan din siya sa mga lider ng pamahalaan na gampanan ang kanilang pananagutan sa harap ng Diyos sa pagtataguyod ng kapayapaan, at huwag hayaang lumaganap ang digmaan at pagkawasak.

Pinangunahan din ng Santo Papa ang pananalangin, kasabay ng pagpapaalala na ang digmaan ay hindi kailanman banal, dahil tanging kapayapaan lamang ang tunay na kalooban ng Diyos.

“War is never holy; only peace is holy, because it is willed by God,” giit pa ni Pope Leo XIV.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 23,762 total views

 23,762 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 56,844 total views

 56,844 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 85,195 total views

 85,195 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 152,926 total views

 152,926 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 174,351 total views

 174,351 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top