Diocese of Tagbiliran, nakaalerto sa bagyong Tino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 65,375 total views

Naghahanda na ang Diocese of Tagbilaran sa posibleng pinsalang dulot ng Bagyong Tino, na kasalukuyang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Ayon kay Diocesan Administrator Fr. Gerardo Saco, inatasan na niya ang lahat ng kura paroko na manatili sa kani-kanilang parokya, maging alerto, at makipag-ugnayan sa mga lokal na Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) bilang paghahanda sa bagyo.

“I’m calling all the parish priests and priests here in the diocese to stay in their parishes and be alert. Communicate with the local LGUs in preparation for the typhoon,” pahayag ni Fr. Saco sa panayam ng Radyo Veritas.

Pinangunahan ni Fr. Saco ang pulong kasama ang Social Action Ministry ng diyosesis kung saan bumuo ng action plan na hinati sa tatlong yugto ang ‘before, during, and after the typhoon’ upang magabayan ang mga parokya at komunidad sa mga nararapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng bagyo.

Umapela rin ang pari sa mga cluster leaders ng mga Basic Ecclesial Communities (BECs) na makipag-ugnayan sa mga parokya, at sa mga mamamayan na sumunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang panganib.

“We encouraged parish priests and cluster leaders to coordinate with local disaster councils and to assist residents, especially those in barangays and puroks. We encourage families to prepare ‘pack and go’ bags good for three days and to stay together in their homes during the typhoon,” dagdag pa ni Fr. Saco.

Hinimok din ni Fr. Saco ang mga naninirahan sa mga mapanganib na lugar na lumikas agad at sundin ang mga kautusan ng pamahalaan. Tiniyak niyang bukas ang mga simbahan, social halls, at seminaryo ng diyosesis bilang mga evacuation center para sa mga nangangailangan ng mas ligtas na masisilungan.

“We also asked parish priests to open churches, social halls, and function halls as evacuation centers for their communities,” ayon sa pari.

Bukod sa paghahandang pisikal, nanawagan din si Fr. Saco sa mga Boholano na magkaisa sa pananalangin para sa kaligtasan ng lahat sa gitna ng banta ng bagyo.

Una nang naglabas ang diyosesis ng Oratio Imperata na maaaring dasalin ng mga mananampalataya, kasama ang panawagang magdasal ng Santo Rosaryo bilang espirituwal na sandigan sa panahon ng sakuna.

Sa pinakahuling ulat ng PAGASA, isinailalim na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 ang buong lalawigan ng Bohol dahil sa patuloy na paglapit ng Bagyong Tino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 168,899 total views

 168,899 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 199,122 total views

 199,122 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 225,768 total views

 225,768 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 320,741 total views

 320,741 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 330,842 total views

 330,842 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top