Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

 1,530 total views

Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa sa lalawigan.

Sa kanyang panawagan, hinimok ng arsobispo ang lahat na magbukas ng kanilang mga puso at tahanan para sa mga nasalanta.

“Many of our brothers and sisters here in Cebu have lost their belongings. Please open your closets and look for clean and presentable clothes, towels, or blankets that you can donate to the victims of the storm,” panawagan ni Archbishop Uy.

Bagama’t hindi pa ganap na nakakabangon ang Cebu mula sa pinsalang dulot ng malakas na lindol kamakailan, muling sinubok ng Bagyong Tino ang lalawigan, at nagdulot ng malawakang pagbaha at pinsala.

Binigyang-diin ni Archbishop Uy na sa kabila ng matinding pagsubok na kinakaharap ng mga Cebuanong lubhang apektado ng magkakasunod na kalamidad, kailangang manatiling matatag, nagkakaisa, at patuloy na magbahagi ng pag-asa sa isa’t isa.

“Let us continue to GIVE HOPE (HATAG PAGLAUM) to our struggling brothers and sisters,” dagdag ng arsobispo.

Kaugnay nito, pangungunahan ng Cebu Caritas, bilang social arm ng Archdiocese of Cebu, ang pagtanggap at pamamahagi ng mga tulong sa mga biktima ng kalamidad.

Para sa mga nais magbahagi ng in-kind donations, maaari itong dalhin sa Pope John XXIII College Seminary Gym sa Mabolo, Cebu City, mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon, kung saan tatanggapin ng Cebu Caritas personnel ang mga donasyon.

Tumatanggap din ang social arm ng cash donations sa Metrobank Peso Account name: Cebu Caritas Inc. sa Account No.: 308-7-308702495.

Nagbabala naman ang simbahan sa publiko na mag-ingat laban sa mga kahina-hinalang indibidwal o grupo na maaaring samantalahin ang sitwasyon at gamitin ang pangalan ng simbahan upang manlinlang ng kapwa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 10,278 total views

 10,278 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 42,273 total views

 42,273 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 87,065 total views

 87,065 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 110,612 total views

 110,612 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 126,011 total views

 126,011 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

Caritas Philippines, pinarangalan ng DILG

 2,599 total views

 2,599 total views Lubos ang pasasalamat ng Caritas Philippines sa pagkilala ng Department of Interior and Local Government (DILG). Iginawad ng Department of Interior and Local

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Higher Education Institutions, kinundena ng CEAP

 2,834 total views

 2,834 total views Kinundena ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang Higher Education Institutions (HEI) na sinasabing nagsisilbing ‘Diploma Mills’. Inaalok ng H-E-I ang

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top