CBCP, nanawagan sa mga Pilipino na manindigan at papanagutin ang mga sangkot sa katiwalian

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,074 total reads

Muling nanawagan si Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa mga Pilipino na manindigan para sa katotohanan, katapatan, at tapang sa gitna ng mga katiwaliang patuloy na sumisira sa tiwala ng mamamayan at sa kinabukasan ng bansa.

Ayon kay Cardinal David, sinusuportahan ng CBCP ang mas malalim na pagtutulungan ng simbahan at sambayanan sa diwa ng synodality — ang sabayang paglalakbay ng pakikinig, pagkilos, at pagtindig para sa kabutihan ng lahat.

“Hindi po tayo kumikilos dahil sa galit, kundi dahil sa pag-asa. Nananawagan po tayo ng pananagutan, pagtatanggol sa katotohanan at pagpapalakas ng ating demokrasya,” pahayag ni Cardinal David.

Binigyang-diin ng kardinal na ang katiwalian ay hindi lamang paglabag sa batas, kundi isang mabigat na kasalanang moral na sumisira sa tiwala ng taumbayan at nagpapahina sa pundasyon ng lipunan.

Hinikayat ni Cardinal David ang mga mamamayan na manindigan at papanagutin ang mga sangkot sa maling paggamit ng pondo ng bayan, ibalik ang ninakaw, at wakasan ang sistemang ginagamit ang yaman ng bayan para sa pansariling kapakinabangan.

Para naman sa mga nasasangkot at binabagabag ng konsensya, ibinahagi ng kardinal ang tatlong hakbang tungo sa tunay na pagbabalik-loob — ang pag-amin, pagsisisi, at pagsasauli o pagtutuwid.

“Kapag merong pag-amin, pagsisisi at pagsasauli ay mas madaling lumago ang tunay na pagpapatawad at pagkakasundo,” ayon kay Cardinal David.

Iginiit ng pinuno ng CBCP na dapat manatili ang mga mamamayan sa mapayapang pamamaraan at sa pagsunod sa Saligang Batas, habang aktibong nakikilahok sa demokratikong proseso ng bansa, at tumanggi sa anumang panawagan ng karahasan o hakbang na labag sa batas.

Hinimok din ni Cardinal David ang mga laiko na manguna sa misyon ng pagbabago, at ang mga lingkod-bayan at tagapagtanggol ng batas na manatiling tapat sa Konstitusyon at sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Pinaalalahanan din ng kardinal ang sambayanang Pilipino, anuman ang relihiyon o paniniwala, na magtulungan para sa pagbuo ng lipunang naglilingkod at namamahala nang may pananagutan, sa halip na pairalin ang pribilehiyo at palakasan.

“Ang pag-asa ay hindi salita lamang, kundi sama-samang paninindigan… Sa tulong ng Diyos at sa tapang ng sambayanang Pilipino, mananaig ang liwanag kaysa kadiliman, ang katotohanan kaysa kasinungalingan, at ang pag-ibig kaysa katiwalian… Sama-sama po nating itatayo ang isang bansang marangal, makatarungan, at tunay na malaya,” saad ni Cardinal David.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 136,800 total reads

 136,800 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 170,129 total reads

 170,129 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 202,273 total reads

 202,273 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 268,337 total reads

 268,337 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 278,785 total reads

 278,785 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 123,294 total reads

 123,294 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top