Pagpapanibago ng asal at mabuting pamamahala, panawagan ng Clergy for Good Governance

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 72,695 total reads

Maglulunsad ang Clergy for Good Governance (CGG) ng isang natatanging pagdiriwang kasabay ng kapistahan ng Pagkahari ng Panginoong Hesukristo sa Sanlibutan o Solemnity of Christ the King, at ng ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng kapistahan.

Pangungunahan ito ng National Shrine of Mary, Queen of Peace o EDSA Shrine sa November 23, 2025.

Tugon ito sa panawagan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David, Pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), kaugnay ng patuloy na katiwaliang umiiral sa lipunan.

Ayon sa CGG, layunin ng pagdiriwang na muling pagtibayin ang panawagan para sa pagpapanibago ng asal at mabuting pamamahala sa gitna ng mga usapin ng korapsyon sa pamahalaan.
“Amidst the continuing scandal of massive corruption that infects practically all levels of our government, this centennial celebration becomes a powerful summons to conscience. We will call every Filipino, especially those in public service, to restore integrity, accountability, and a sense of service to the common good under the kingship of Christ,” ayon sa CGG.

Sa pamamagitan ng social media at mga himpilan ng radyo, magkakaroon ng sabayang pagdiriwang sa mga arkidiyosesis at diyosesis sa buong bansa na makikibahagi sa mga gawain sa EDSA Shrine.

Magsisimula ang pagdiriwang sa Banal na Misa sa ganap na alas-4 ng hapon, na susundan ng prusisyon at National Holy Hour.

Pagkatapos nito’y isasagawa naman ang Fiesta ng Kabataan, tampok ang mga pagtatanghal ng makabayan at relihiyosong awitin.

Bunsod ng panawagan ni Cardinal David para sa katotohanan, katapatan, at tapang sa gitna ng katiwalian, layon ng CGG na gawing pagkakataon ang sentenaryo ng kapistahan ni Kristong Hari upang pagtibayin ang pananampalataya at paninindigan ng sambayanang Pilipino para sa isang lipunang pinamumunuan ng kabutihan, katarungan, at pananagutan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 50,042 total reads

 50,042 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 129,710 total reads

 129,710 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 163,157 total reads

 163,157 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 198,455 total reads

 198,455 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 423,011 total reads

 423,011 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,935 total reads

 156,935 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top