Laganap na katiwalian, nagdudulot ng matinding panganib sa buhay ng tao at kapaligiran

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,155 total reads

Laganap na katiwalian, nagdudulot ng matinding panganib sa buhay ng tao at kapaligiran

Mariing kinondena ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang patuloy na katiwalian sa pamahalaan na siyang nagdudulot ng matinding pinsala sa kapaligiran at buhay ng mga tao kaysa sa mismong kalamidad.

Ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Public Affairs Ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), bagama’t hindi maiiwasan ang galit ng kalikasan, maaaring mapagaan ang epekto nito kung maayos ang pamamahala at hindi nasasayang ang pondo na nakalaan para sa disaster preparedness at rehabilitasyon.

“Nature can’t be prevented from unleashing its fury, but its impacts can at least be mitigated,” ayon sa pari.

Binatikos din ni Fr. Secillano, ang mga opisyal na dapat sana’y nangunguna sa pagtulong tuwing may kalamidad ngunit sila pa mismo ang nagiging dahilan ng kamatayan at pagkasira ng kabuhayan ng maraming Pilipino.

“Ang malaking problema sa ating bansa, ang pondo at mga taong inaasahan nating tutulong upang maiwasan ang pinsalang dulot ng mga kalamidad, ang siya pang naging mitsa ng kamatayan at pagkasira ng ari-arian ng ating mga kababayan,” ani Fr. Secillano.

Dagdag pa ng pari, panahon na upang gisingin ang konsensya ng mga namumuno at managot ang mga sangkot sa katiwalian na patuloy na nagpapahirap sa mamamayan.

“Isa itong panawagan sa pamahalaan at mga pinuno ng ating bayan—hanggang kailan ninyo masisikmura ang trahedyang sinasapit ng mga Pilipino habang pinagpapasasaan ninyo ang kaban ng bayan?” giit ng pari.

Pinuna rin niya ang paggamit ng pondo ng bayan para sa pansariling interes ng ilang opisyal, na aniya’y higit na mapanira kaysa sa alinmang bagyo o lindol.

“Masama ang mangbintang, pero di ba’t obvious na mas malala pa sa mga delubyong dumaan sa bansa ang ginawa ninyong pagkamkam sa pera ng bayan? Maliban sa mga kalamidad, isa po kayo sa mga dahilan ng pagkawasak ng buhay ng napakaraming Pilipino,” dagdag pa ni Fr. Secillano.

Panawagan ng pari ng tunay na reporma, pananagutan, at malasakit mula sa mga nasa kapangyarihan upang matiyak na ang pondo para sa mamamayan ay tunay na mapupunta sa tama—lalo na sa panahon ng krisis at kalamidad.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 23,446 total reads

 23,446 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 171,125 total reads

 171,125 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 205,801 total reads

 205,801 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 222,145 total reads

 222,145 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 258,630 total reads

 258,630 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 266,969 total reads

 266,969 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top