Diocese of Virac, aagapay sa pagbangon ng mga taga-Catanduanes

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,376 total reads

Tiniyak ng Diyosesis ng Virac ang pagtulong at pag-agapay ng Simbahan sa mga naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan sa Catanduanes.

Sa pamamagitan ng Caritas Virac Justice and Peace, Inc. ay nananawagan ang diyosesis ng tulong at pakikiisa para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan na nagdulot ng matinding pinsala sa mga tahanan at kabuhayan sa lalawigan.

Sa temang “Rebuilding Our Homes, Restoring Our Hope,” ay binigyang diin ng Diyosesis ng Virac na ang bawat tulong, maliit man o malaki ay pawang tanda ng pag-ibig at pag-asa para sa mga Catandunganon upang muling makabangon sa pamamagitan ng diwa ng pag-asa at pagkakaisa sa lipunan.

“Catanduanes, our beloved Happy Island, needs our help to rise again after Super Typhoon Uwan. The Diocese of Virac, through Caritas Virac Justice and Peace, Inc., is committed to helping our communities recover. Our island needs your help! Every act of kindness, every donation, brings us closer to rebuilding lives and homes. Let’s show the world the resilience and spirit of Catanduanes.” Bahagi ng panawagan ng Diyosesis ng Virac.

Pangungunahan ng Caritas Virac Justice and Peace, Inc. ang pagtanggap ng donasyon para sa patuloy na relief operations at rehabilitasyon sa mga nasalanta ng Super Typhoon Uwan.
Ilalaan ang mga pondong malilikom para sa pagkain, tubig, gamot, materyales sa pansamantalang tirahan, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga apektadong pamilya sa lalawigan.
Hinihikayat ng Diyosesis ng Virac ang lahat ng mga parokya, institusyon, at mamamayan na may pusong handang tumulong na makibahagi sa gawain ng pagpapamalas ng awa at pag-asa para sa mga naapektuhan ng kalamidad.

“The Diocese of Virac, through Caritas Virac Justice and Peace, Inc., is issuing a Call for Donations for the victims of Super Typhoon Uwan. Your support is critical for the relief and social action efforts in the aftermath of this devastating storm. Let us stand together to help our fellow Catandunganon rebuild. Donate today and be a beacon of hope!” Dagdag pa ng Diyosesis ng Virac.

Para sa mga detalye kung paano makapagpapaabot ng tulong at donasyon ay maaring makipag-ugnayan sa Caritas Virac Justice and Peace, Inc. o bisitahin ang Facebook page ng Diocese of Virac.
Ayon sa diyosesis sa pamamagitan ng pagkakaisa ng Simbahan at sambayanan ay muling maitatayo hindi lamang ang mga nasirang tahanan, kundi pati ang pag-asa at pananampalataya ng mga taga-Catanduanes na nasalanta ng Super Typhoon Uwan.

Matatandaan bilang tanda ng pagkakaisa at malasakit ng Simbahan para sa mga nangangailangan mula sa pananalasa ng bagyo ay binuksan ng Diyosesis ng Virac ang mga Simbahan nito upang magsilbing evacuation centers para sa mga pamilyang apektado ng Super Typhoon Uwan upang makapagbigay ng mas ligtas na masisilungan, at pag-asa para sa mga evacuees sa gitna ng sama ng panahon.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 22,646 total reads

 22,646 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 170,169 total reads

 170,169 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 204,845 total reads

 204,845 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 221,226 total reads

 221,226 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 257,713 total reads

 257,713 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 266,106 total reads

 266,106 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 22,647 total reads

 22,647 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top