Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagsasabatas sa Commission Against Infrastructure at Anti-Dynasty bill, suportado ng House Speaker

SHARE THE TRUTH

 20,250 total views

Isinusulong ni House Speaker Faustino Dy III ang dalawang panukalang batas ng House of Representatives na layong labanan ang korapsyon at palakasin ang pananagutan sa pamahalaan.

Sa kaniyang talumpati sa pagbubukas ng sesyon, kabilang sa isusulong na panukala ay ang Independent Commission Against Infrastructure Corruption (ICI) Bill ay magtatatag ng independiyenteng komisyon na mag-iimbestiga at mag-uusig sa mga sangkot sa anomalya o ghost projects, partikular sa flood control programs.

Gayundin, ang Anti-Dynasty Bill, na layong malinaw na tukuyin ang “political dynasty” sa Konstitusyon.

Ayon kay Dy, layunin ng batas na ito na itaguyod ang patas na kompetisyon at nang mas maraming Pilipino ang magkaroon ng pagkakataon na makapaglingkod sa pamahalaan.

Una na ring inamin ng mambabatas na ang kanyang pamilya ay bahagi rin ng matagal na paglilingkod sa gobyerno kung saan may 16 sa kaniyang pamilya ay nasa pamahalaan.

“Kaya’t samahan ninyo akong isulong natin ang isang panukalang batas na magbibigay ng malinaw at makatarungang depinisyon ng “political dynasty”—isang depinisyon na tapat sa diwa ng ating Saligang Batas at nakatuon sa pagpapalakas ng ating demokrasya.”

“Ang layunin nito ay hindi upang hadlangan ang sinuman, kundi upang palawakin ang pagkakataon para sa mas maraming Pilipino na makapaglingkod at makibahagi sa pamahalaan,” ayon sa pinuno ng Kamara.

Aniya, ang dalawang panukala ay konkretong hakbang ng Kamara para muling maibalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno.

Ang dalawang panukalang batas ay itinuturing na tugon sa patuloy na hinaing ng publiko laban sa katiwalian at sa pangmatagalang isyu ng political dynasty sa bansa.

Binanggit din ni Dy na ang hakbang ay bilang tugon na rin sa hamon ng simbahan sa mga opisyal ng pamahalaan.

“Sa mensahe ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines nitong mga nakaraang araw, malinaw ang paalala: magmuni, magnilay-nilay, at higit sa lahat, maging tuwid. Ang mensaheng ito ay hamon para sa bawat isa sa atin sa pamahalaan—na ang tunay na reporma ay hindi nasusukat sa dami ng ating ipinapangako, kundi sa epekto at bisa ng ating mga isinasagawang programa,” ayon pa ay Speaker Dy.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NAGUGUTOM NA PINOY

 5,067 total views

 5,067 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 29,467 total views

 29,467 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 48,546 total views

 48,546 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 68,354 total views

 68,354 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Prayer Power

 114,750 total views

 114,750 total views Kapanalig, ang panalangin ay direkta nating koneksyon sa Panginoon. Madalas nating iniisip na ang pagdarasal ay pakikipag-usap lamang sa Dios. Ngunit mas malalim

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

Parokya sa Maynila, idideklarang minor basilica

 1,615 total views

 1,615 total views Inaanyayahan ng pamunuan ng Sta. Cruz Parish sa Maynila ang mananampalataya na makibahagi sa maringal at makasaysayang deklarasyon ng simbahan bilang minor basilica.

Read More »
Economics
Jerry Maya Figarola

Anak OFW formation program, mas pinalawak

 18,733 total views

 18,733 total views Pinuri ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang Archdiocesan Commission for Migrants and Itinerant People

Read More »

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV: ‘War is never holy’

 42,744 total views

 42,744 total views Nanawagan si Pope Leo XIV para sa kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga bansa at relihiyon sa pandaigdigang pagtitipon ng Community of

Read More »
Scroll to Top