Huwag mapagod tumulong at magmalasakit sa kapwa, paalala ng Obispo sa mga Pinoy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,101 total reads

Sa gitna ng magkakasunod na kalamidad na patuloy na kinakaharap ng bansa, nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga Pilipino na huwag mapagod na magbahagi ng tulong, malasakit, at pananampalataya sa kapwa.

Kinikilala rin ni Bishop Santos ang labis na pagod ng taumbayan matapos ang sunod-sunod na sakuna na sumubok sa kabuhayan at katatagan ng bawat pamilya.

“When disasters come one after another, it is natural to feel drained — emotionally, financially, even spiritually. Fatigue is a human sign that we have been loving and laboring. Give what you can without losing yourself. These acts are signs through which God’s mercy reaches others and renews you,” ayon kay Bishop Santos.

Ngunit sa gitna ng pagkapagal, pinaalalahanan ng obispo ang mga Pilipino na huwag hayaang mamatay ang diwa ng pagmamalasakit sa kapwa at bayanihan.

“Compassion is not a resource that runs dry; it is a grace that multiplies when shared,” ayon pa kay Bishop Santos.

Binigyang-diin rin niya na ang pagpapahinga ay bahagi ng paglilingkod. “Rest is a Christian duty; replenishing your strength is not selfish but necessary so you may continue to serve.”

Para sa mga simbahan at parokya, hinimok ng obispo ang mga pinuno ng Simbahan na maging bukal ng pag-asa sa komunidad. Dapat aniya ay hikayatin ang mga mananampalataya na tumulong sa abot ng makakaya—sa pamamagitan man ng oras, dasal, o presensya. “Not everyone can give money, but many can give time, skills, prayers, or presence,” giit ni Bishop Santos.

Dagdag pa niya, dapat ding alagaan ang mga tumutulong.

“Volunteers, donors, and responders need spiritual nourishment too. Remind them that they are not alone — that the Church walks with them, and Christ strengthens them.”

Sa kabila ng mga trahedya, nanindigan ang obispo na pananampalataya pa rin ang pinakamatibay na sandigan ng Pilipino.

“Faith is the anchor in the storm. It does not erase suffering, but it gives it meaning,” paliwanag ni Bishop Santos.

Paalala pa ng obispo, “When we look at the Cross, we see pain — but we also see love, sacrifice, and resurrection. No storm is greater than God’s mercy.”

Muling paalala ni Bishop Ruperto Santos na manatiling maging mahabagin, magkaisa, at may pananampalataya lalo’t sa bawat kamay na tumutulong, at sa bawat pusong nagmamalasakit, naroroon ang awa at presensya ng Diyos.

Sa pinakahuling ulat, may dalawa katao na ang nasawi sa Super Typhoon Uwan, habang hindi naman bababa sa 200 ang nasawi sa bagyong Tino – na ang pinakamalaking bilang ay mula sa lalawigan ng Cebu at Negros Island Region.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 47,204 total reads

 47,204 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 83,994 total reads

 83,994 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 117,087 total reads

 117,087 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 168,312 total reads

 168,312 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 229,940 total reads

 229,940 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 47,380 total reads

 47,380 total reads Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »
Scroll to Top