Mananampalataya, hinimok na maging sambayanang nanalanagin at nagbibigay buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,352 total reads

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mga mananampalataya na ang mga simbahan ay tanda ng pakikiisa at pakikilakbay ng Diyos kasama ang Kanyang bayan.

Ito ang naging mensahe ng arsobispo sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Pagtatalaga sa Palasyong Simbahan ng Laterano (Feast of the Dedication of the Lateran Basilica) sa Roma noong Nobyembre 9.

Ayon kay Archbishop Uy, bawat bahay-dalanginan ay nagsisilbing kanlungan ng mga tao kung saan natatagpuan ang kapayapaan ng puso sa piling ng Panginoon.

“Whenever we enter a church, whether it’s a big cathedral or a small chapel, we are stepping into a space where heaven and earth meet, where God welcomes us home,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Uy.

Binigyang-diin ng arsobispo na bagaman mahalagang panatilihing malinis at maayos ang mga simbahan, higit na dapat ding pagtuunan ng pansin ng bawat isa ang paglilinis ng puso mula sa galit, kayabangan, kasakiman, at inggit, sapagkat ang puso ng tao ang tunay na templong pinanahanan ng Diyos.

“Each one of us is God’s temple. Our hearts are where God wants to live. The Church is not just made of stone or cement, it is made of people filled with faith,” dagdag pa ng arsobispo.

Hinikayat din ni Archbishop Uy ang mga mananampalataya na maging simbahang buhay o isang sambayanang nananalangin, naglilinis, at nagbibigay-buhay lalo na sa mga nangangailangan.

“Let’s be a Church that prays, purifies, and gives life,” panawagan ng arsobispo.

Ipinagdiriwang taun-taon tuwing Nobyembre 9 ang Kapistahan ng Pagtatalaga ng Lateran Basilica, hindi lamang upang gunitain ang isang makasaysayang gusali, kundi upang ipahayag na ang bawat simbahan ay tanda ng buhay na presensiya ng Diyos sa Kanyang bayan.

Ang Lateran Basilica sa Roma ang pinakamatandang simbahan at ang katedral ng Santo Papa bilang Obispo ng Roma. Ito rin ay kinikilala bilang “Mother Church of all churches in the world.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 79,208 total reads

 79,208 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 157,365 total reads

 157,365 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 190,813 total reads

 190,813 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 226,109 total reads

 226,109 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 449,465 total reads

 449,465 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top