Gisingin ang moral na konsensiya, panawagan ni Bishop Santos sa mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,121 total reads

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga Pilipino na muling gisingin ang moral na konsensya ng bansa sa gitna ng patuloy na problema ng korapsyon at kawalan ng pananagutan sa lipunan.

Ayon kay Bishop Santos, ang korapsyon sa anumang anyo ay isang malalim na sugat sa kaluluwa ng bansa dahil pinipinsala nito ang katarungan, pinapalalim ang hindi pagkakapantay-pantay, at winawasak ang tiwala ng mamamayan sa mga institusyong dapat ay nagsisilbi sa kabutihan ng lahat.

“It distorts justice, deepens inequality, and erodes trust in institutions meant to serve the common good,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na marami na ang tila manhid sa kasalanan at katiwalian, hindi dahil sila ay likas na masama, kundi dahil sa kawalan ng pag-asa at sa kulturang tila hindi na nagpaparusa sa mali.

Giit ng obispo, “When sin is normalized, virtue becomes exceptional rather than expected.”

Paliwanag pa ng opisyal ng simbahan, ang tunay na reporma ay hindi lamang nagmumula sa mga nasa kapangyarihan kundi nagsisimula sa puso ng bawat mamamayan. Dapat aniya muling itaguyod sa pamilya, paaralan, at komunidad ang mga katangian ng katapatan, katarungan, at malasakit sa kapwa.

Kinikilala rin ni Bishop Santos ang pagkukulang ng Simbahan sa pagtindig laban sa kasamaan at may mga pagkakataong nabigo itong magsalita laban sa kawalang-katarungan.

“If we have failed to speak boldly against injustice, or if our witness has been weakened by our own shortcomings, then we must repent,” wika ni Bishop Santos.

Dagdag pa ng obispo, “The Church is called to be a moral compass—not only through preaching, but through example.”

Kaya’t panawagan ng obispo, dapat muling pagtibayin ng Simbahan ang misyon nitong maging gabay sa moralidad hindi lang sa salita kundi sa gawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 61,064 total reads

 61,064 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 144,090 total reads

 144,090 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 238,422 total reads

 238,422 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 300,107 total reads

 300,107 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 343,020 total reads

 343,020 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top