Diyosesis ng Imus maglulunsad ng Panalangin para sa mabuting pamamahala at katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 38,367 total reads

Magsagawa ang Diyosesis ng Imus ng Diocesan Prayer Rally for Good Governance, Transparency, and Accountability.

Ito ay gaganapin sa bisperas ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari, sa Sabado, Nobyembre 22, 2025, mula 3:00 PM hanggang 8:30 PM sa Dasmariñas Grandstand, Lungsod ng Dasmariñas.

Tema ng pagtitipon ay “Simbahang Kabitenyo: May Pananagutan, May Pananagutin,” bilang panawagan ng Simbahan sa paninindigan para sa katotohanan, katarungan, at moral integrity, lalo na sa harap ng lumalalang katiwalian sa lipunan.

Ayon kay Imus Bishop Reynaldo Evangelista, pansamantalang kanselado ang lahat ng Misa sa buong Diyosesis sa araw ng Nobyembre 22 upang bigyang-daan ang malawakang pakikilahok ng mga mananampalataya.

“Lahat ng Misa sa Nobyembre 22 sa mga parokya ay kanselado sa buong Diyosesis; Ang mga miyembro ng Adoracion Nocturna ay inaanyayahang dumalo sa Prayer Rally para sa kanilang Vigil; Ang pagdiriwang ngayong taon ay mahalaga dahil ito ang 100th Anniversary ng pagtatatag ng kapistahan ng Christ the King sa dokumentong “Quas Primas” ni Pope Pius XI (1925),” ayon pa sa circular.

Hinihikayat din ng obispo ang mga miyembro ng Adoracion Nocturna na dumalo bilang bahagi ng kanilang Vigil para sa Kapistahan.

Binibigyang-diin ng Diyosesis na ang pagtitipon ngayong taon ay may natatnging kahalagahan dahil ito ay ang ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Kapistahan ng Christ the King sa pamamagitan ng dokumentong Quas Primas (1925) ni Pope Pius XI, na nanawagan sa isang lipunang nakatuon sa kapayapaan, katarungan, at buhay-Ebanghelyo.

Hinihikayat ang lahat ng dadalo na magsuot ng puting damit bilang simbolo ng pagkakaisa at dalisay na hangarin.

Nilinaw naman ng Diyosesis na ang Prayer Rally ay hindi protesta, kundi pagtitipon ng Simbahan para sa paninindigan sa mabuting pamamahala at pagpapalakas ng tinig ng pananampalataya sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 20,020 total reads

 20,020 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 57,644 total reads

 57,644 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 75,855 total reads

 75,855 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 160,183 total reads

 160,183 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 196,612 total reads

 196,612 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,271 total reads

 37,271 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top