Agarang pagpasa ng Anti-Dynasty Bill, panawagan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 53,294 total views

Nagpahayag ng buong suporta ang Caritas Philippines sa pagsulong ng Anti-Dynasty Bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, bilang mahalagang hakbang tungo sa mas makatarungan, transparent, at makabuluhang reporma sa sistemang pampulitika ng bansa.

Sa opisyal na pahayag ni Caritas Philippines President at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, pinuri niya ang mga mambabatas na nag-akda at nagsusulong ng panukalang matagal nang hinihintay ng publiko.

Iginiit ng Obispo na ang Anti-Dynasty Bill ay isang “matapang na hakbang” upang patatagin ang mga demokratikong institusyon, palawakin ang patas na partisipasyon sa politika, at tiyaking umiiral ang kapakanan ng nakararami.

“Caritas Philippines firmly supports the filing of the Anti-Dynasty Bill in the House of Representatives and commends the authors and champions of this long-overdue reform measure,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

“We welcome this development as a courageous step toward strengthening democratic institutions, promoting fair political participation, and protecting the common good.”

Binigyang-diin ng Obispo na sa loob ng maraming dekada, ang pag-iral ng political dynasties ay nagbunsod ng hindi pagkakapantay-pantay, huminang pananagutan ng mga pinuno, at napigilang mapaunlad ang tunay na kapangyarihan ng mga nasa grassroots level.

Bilang humanitarian at development arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), iginiit ni Bishop Bagaforo na ang Caritas Philippines ay matagal nang naninindigan para sa mabuting pamamahala na nakaugat sa katarungan, transparency, at moral na pamumuno—mga prinsipyong malinaw na sinasalamin ng Anti-Dynasty Bill.

“For decades, political dynasties have contributed to systemic inequalities, weakened accountability, and hindered genuine grassroots empowerment,” dagdag pa ng Obispo.

Dagdag pa ni Bishop Bagaforo, “The Anti-Dynasty Bill is aligned with these principles.”

Kasabay nito, nanawagan ang Caritas Philippines sa Senado na pakinggan ang tinig ng sambayanan at agarang ipasa ang katapat na panukala upang maisulong ang tunay na pagbabago sa sistemang pulitikal at maibalik ang kapangyarihan ng pamamahala sa lahat, hindi lamang sa iilang makapangyarihan.

“We therefore urge our senators to heed the clamor of the Filipino people and pass the counterpart measure at the soonest possible time… to ensure that compassionate and responsible public service truly belongs to all of us — not just to a powerful few,” ani Bishop Bagaforo.

Tiniyak din ng Caritas Philippines ang kahandaan nitong makipagtulungan sa iba’t ibang civil society groups, faith-based communities, at mga lider ng pamahalaan upang maisulong ang mga repormang nagtataguyod ng dignidad ng tao, inklusibong pag-unlad, at isang makatarungan at makataong lipunan.

Nanawagan si Bishop Bagaforo sa mga mambabatas na kumilos nang may kababaang-loob, tapang, at malasakit para sa kinabukasan ng sambayanang Pilipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 72,221 total views

 72,221 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 146,835 total views

 146,835 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 226,914 total views

 226,914 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 270,053 total views

 270,053 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 266,715 total views

 266,715 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 100 total views

 100 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top