Diocese of Virac, nagbabala sa hindi owtorisadong pangangalap ng donasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,340 total views

Nagpalabas ng pampublikong abiso ang Diyosesis ng Virac at Caritas Virac Justice and Peace, Inc. laban sa mga hindi awtorisadong pangangalap ng donasyon para sa mga biktima ng Super Typhoon Uwan gamit ang pangalan ng Simbahan.

Sa inilabas na pahayag, muling ipinaalala ng Diyosesis na tanging ang opisyal na mga tagapag-ugnay ng Diyosesis at Caritas Virac lamang ang awtorisadong mangasiwa at tumanggap ng mga donasyon para sa mga operasyon ng pagtulong at relief.

Ayon sa abiso, walang pinahintulutang ibang grupo o indibidwal ang diyosesis na magsagawa ng koleksyon sa ngalan ng Diyosesis ng Virac o Caritas Virac, lalo na ang mga lumilibot sa mga bahay o establisimyento upang mangalap ng donasyon.

“We remind everyone that only the Diocese of Virac and Caritas Virac, together with officially designated coordinators, are authorized to handle and receive donations for relief operations. We have not authorized any collection drives using the Diocese of Virac and collect at your homes or establishments. Please be cautious of personal or unofficial accounts claiming to collect funds or goods for relief assistance.” Bahagi ng abiso ng diyosesis.

Hinimok din ng diyosesis ang publiko na maging mapanuri at iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga personal o hindi opisyal na account na nagsasabing sila ay konektado sa Simbahan o sa social action arm ng Diyosesis ng Virac.

Binigyang-diin din ng pamunuan na ang lahat ng donasyon, pinansyal man o materyal ay dapat dumaan sa opisyal na mga tanggapan ng Diyosesis at Caritas Virac upang matiyak ang pananagutan, at maayos na pamamahagi ng tulong sa mga pinaka-apektadong komunidad sa Catanduanes.

Nananawagan din ang simbahan ng pagkakaisa at katapatan sa gitna ng krisis kasabay ng patuloy na pagdarasal para sa mabilis na pagbangon ng mga nasalanta ng nagdaang kalamidad.

“Please be cautious of personal or unofficial accounts claiming to collect funds or goods for relief assistance. To ensure transparency and proper distribution, all donations must go through official diocesan and Caritas channels only. Let us work together in honesty and unity as we extend help to those in need.” Dagdag pa ng diyosesis.

Patuloy ring nananawagan ang Diyosesis ng Virac na suportahan ang opisyal na mga programa ng Simbahan para sa relief at rehabilitation efforts ng lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 33,540 total views

 33,540 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 118,299 total views

 118,299 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 135,852 total views

 135,852 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 180,777 total views

 180,777 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top