Harapin ang alegasyon ng katiwalian, hamon ng Franciscans sa mga pinuno ng bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,245 total views

Hinimok ng mga Franciscano ang pinuno ng bansa na harapin nang buong tapang at walang pagtatakip ang tumitinding alegasyon ng korapsyon na kinasasangkutan ng ilang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Sa pastoral message ni Fr. Lino Gregorio Redoblado, OFM, minister provincial ng Order of Friars Minor–Franciscan Province of San Pedro Bautista–Philippines na pinamagatang “A Prophetic Call to Truth, Integrity, and the Healing of Our Nation,” binigyang-diin niyang ang layunin ng kanilang pahayag ay hindi ang pagpalalim ng hidwaan, kundi ang pagtindig para sa katotohanan at pakikilakbay sa sambayanang Pilipino, lalo na sa mga mahihirap na higit na naaapektuhan ng sistematikong katiwalian.

Nanindigan ang mga Franciscano para sa katotohanan, katarungan, at pananagutan ng lahat ng sangkot sa anumang uri ng katiwalian.

“We stand for truth, whoever may be touched by it. We stand for justice, even when confronting the powerful. We stand for honesty, transparency, and accountability in public service,” ayon kay Fr. Redoblado.

Kamakailan, naglabas ng pahayag si dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co hinggil sa maanomalyang P100-bilyong budget insertion sa 2025 national budget, kung saan direktang tinukoy sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating House Speaker Martin Romualdez bilang nag-utos sa naturang alokasyon.

Ayon sa mga Franciscano, lalong nagdudulot ng kalituhan at hidwaan ang mga akusasyong walang sinumpaang testimonya at walang maayos na proseso. Anila, mas tumitindi lamang ang pagdududa sa kung sino ang nagsasabi ng katotohanan.

Dahil dito, nanawagan sila na humarap sa imbestigasyon ang lahat ng taong may kinalaman sa mga alegasyon.

“It grieves us that our people are repeatedly forced into a false choice between competing shadows of leaders whose hands are neither clean nor life-giving. No lasting good can arise from choosing one darkness over another,” saad ng pari.

Ipinahayag din ng mga misyonero ang pagkadismaya sa patuloy na paglala ng pinsalang dulot ng korapsyon, lalo na sa sektor ng mga mahihirap. Mariin nilang kinondena ang paggamit ng mga paratang bilang sandata para sa pansariling pampulitikang interes.

“We will not participate in political tricks or power plays. We refuse to be instruments of factions whose intentions are rooted in ambition rather than service,” giit ni Fr. Redoblado.

Iginiit ng grupo na ang korapsyon ay hindi lamang simpleng usaping pampulitika, kundi isang sugat sa moralidad ng lipunan.

“Corruption is not merely a political issue—it is a spiritual sickness that destroys families, deepens poverty, and disfigures the image of God in our society,” dagdag pa niya.

Binatikos din ng OFM ang mga grupong nagsusulong ng selective reform na hindi tunay na naglalayong wakasan ang katiwalian.

“We likewise reject any ‘anti-corruption’ movements whose underlying aim is simply to replace one corrupt leadership with another… If we must choose a side, we choose the side of truth… If we must take a stand, we stand with the poor and exploited,” pahayag ni Fr. Redoblado.

Nanawagan ang mga Franciscano ng landas na nakaugat sa mga pagpapahalagang Kristiyano, katapatan, malinaw na pamamahala, at pananagutan sa paglilingkod-bayan. Hinikayat nila ang publiko na igiit ang mga repormang nakabatay sa malasakit at katarungan, at ang mga pinuno na magpakita ng pagpapakumbaba at integridad.

Sa pagtatapos ng kanilang pahayag, muling pinagtibay ng mga misyonero ang kanilang paninindigan:

“We choose the God of justice. We choose the God of the poor. We choose a future where truth is honored, leaders are accountable, and the dignity of every Filipino is upheld.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 7,170 total views

 7,170 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 35,175 total views

 35,175 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 52,975 total views

 52,975 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 52,684 total views

 52,684 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 164,824 total views

 164,824 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 6,558 total views

 6,558 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top