Diocese of Virac, nagbabala sa hindi owtorisadong pangangalap ng donasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 29,599 total reads

Nagpalabas ng pampublikong abiso ang Diyosesis ng Virac at Caritas Virac Justice and Peace, Inc. laban sa mga hindi awtorisadong pangangalap ng donasyon para sa mga biktima ng Super Typhoon Uwan gamit ang pangalan ng Simbahan.

Sa inilabas na pahayag, muling ipinaalala ng Diyosesis na tanging ang opisyal na mga tagapag-ugnay ng Diyosesis at Caritas Virac lamang ang awtorisadong mangasiwa at tumanggap ng mga donasyon para sa mga operasyon ng pagtulong at relief.

Ayon sa abiso, walang pinahintulutang ibang grupo o indibidwal ang diyosesis na magsagawa ng koleksyon sa ngalan ng Diyosesis ng Virac o Caritas Virac, lalo na ang mga lumilibot sa mga bahay o establisimyento upang mangalap ng donasyon.

“We remind everyone that only the Diocese of Virac and Caritas Virac, together with officially designated coordinators, are authorized to handle and receive donations for relief operations. We have not authorized any collection drives using the Diocese of Virac and collect at your homes or establishments. Please be cautious of personal or unofficial accounts claiming to collect funds or goods for relief assistance.” Bahagi ng abiso ng diyosesis.

Hinimok din ng diyosesis ang publiko na maging mapanuri at iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga personal o hindi opisyal na account na nagsasabing sila ay konektado sa Simbahan o sa social action arm ng Diyosesis ng Virac.

Binigyang-diin din ng pamunuan na ang lahat ng donasyon, pinansyal man o materyal ay dapat dumaan sa opisyal na mga tanggapan ng Diyosesis at Caritas Virac upang matiyak ang pananagutan, at maayos na pamamahagi ng tulong sa mga pinaka-apektadong komunidad sa Catanduanes.

Nananawagan din ang simbahan ng pagkakaisa at katapatan sa gitna ng krisis kasabay ng patuloy na pagdarasal para sa mabilis na pagbangon ng mga nasalanta ng nagdaang kalamidad.

“Please be cautious of personal or unofficial accounts claiming to collect funds or goods for relief assistance. To ensure transparency and proper distribution, all donations must go through official diocesan and Caritas channels only. Let us work together in honesty and unity as we extend help to those in need.” Dagdag pa ng diyosesis.

Patuloy ring nananawagan ang Diyosesis ng Virac na suportahan ang opisyal na mga programa ng Simbahan para sa relief at rehabilitation efforts ng lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 10,431 total reads

 10,431 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 238,741 total reads

 238,741 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 132,207 total reads

 132,207 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 226,236 total reads

 226,236 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 270,063 total reads

 270,063 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top