Taun-taong pagsubok sa agrikultura

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 318,873 total reads

Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng ating mga magsasaka.

Sa bayan ng Talavera, Nueva Ecija, halimbawa, nasira ang lahat ng bukirin. Walang natirang sibuyas, kamatis, at iba pang gulay. Sa pagkasira ng mga tanim sa mga maraming lugar, nagbabadya ang kakulangan sa pagkain. Kapag bumaba ang suplay, tiyak na tataas ang presyo ng pagkain. Maghihigpit ng sinturon ang mga mamimili (kasama ang mga magsasaka), at sa huli, mahihirapan ang mga magsasakang makabangon mula sa pinsalang dulot ng bagyo.

Iniulat ng Department of Agriculture (DA) na umabot sa 188 milyong piso ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa maraming probinsya sa Luzon at ilang lugar sa Visayas. Pinakamalaki ang pinsala sa palay. Naapektuhan din ang mais, cassava, at iba pang high-value crops. Apektado ang kabuhayan ng mahigit anim na libong magsasaka. Dahil sa taas ng ilan, ilang araw ding hindi nakapalaot ang mga kababayan nating mangingisda.

Taun-taon tayong nakararanas ng matitinding bagyo, kaya’t malinaw na patuloy din ang mga hamong haharapin ng ating mga magsasaka at mangingisda. Kaya mahalagang tanungin: handa ba ang gobyerno at ang mga komunidad sa ganitong uri ng sakuna? Anu-anong maaaring gawin upang matiyak na matatag ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda?

Inanunsyo ng DA na may nakahandang humigit-kumulang isang bilyong piso na tulong para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng mga nagdaang bagyo. Gagamitin ang pondong ito para mamahagi sa mga magsasaka ng binhi ng palay, mais, at high-value crops. Ang mga nag-aalaga ng hayop ay bibigyan ng pagkain para sa hayop. Fingerlings naman ang matatanggap ng mga mangingisda. Makauutang din ng hanggang ₱25,000 ang mga interesadong magsasaka at mangingisda mula sa Survival and Recovery Loan Program. Babayaran ito sa loob ng tatlong taon nang walang interes.

Pero may pangmatagalang solusyon din na kailangan. Isa sa mga ito ang pagpasa sa National Land Use Act (o NLUA), isang panukalang batas na halos 30 taon nang isinusulong! Patuloy ang panawagan ng iba’t ibang grupo na ipasa ito upang matiyak na ang paggamit ng lupa ay nakatutugon sa pangangailangan ng mga magsasaka, katutubo, at lokal na pamayanan. Itutuwid ng NLUA ang maling paggamit ng lupa na nagpapalala ng pagbaha, tagtuyot, at iba pang kalamidad, at nagdudulot din ng mas malalim na kawalan ng katarungan. Sa pamamagitan ng maayos na land use planning, mas magiging handa ang bansa, at mas mababawasan ang pinsala sa sektor ng agrikultura tuwing may sakuna.

Paulit-ulit na paghihirap ang dinaranas ng ating mga magsasaka at mahihirap tuwing may kalamidad, at lalala pa ito dahil sa mga super typhoon na madalas nang namumuo. Hindi natin mapipigilan ang pagdating ng super typhoon dahil ito ay isang realidad na para sa ating bansa, ngunit sa pamamagitan ng tamang batas at wastong disaster response, kaya nating bawasan ang pagdurusa ng ating mga kababayan. Tandaan natin: climate change is a justice issue. 

Binibigyang-diin sa Laudato Si’ na ang climate change ay isang pandaigdigang problemang may mabibigat na epekto sa kapaligiran, lipunan, ekonomiya, pulitika, at pamamahagi ng yaman. Ang mga epekto nito ay unang nararamdaman ng mahihirap, at marami sa kanila ay umaasa sa agrikultura gaya ng mga kababayan nating magsasaka at mangingisda.

Mga Kapanalig, kailangan natin ng mga patakarang nagtatanggol sa ating likas-yaman at nagpoprotekta sa mga magsasaka at mangingisdang pinakaapektado taun-taon. Nakaugat ito sa Genesis 2:15: “Pinatira ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden ang taong nilikha niya para mag-alaga nito.” May tungkulin tayo, bilang indibidwal at sambayanan, na harapin ang epekto ng climate change at tiyaking walang naiiwan.

Sumainyo ang katotohanan.

SLP, nakahanda sa national LAIKO assembly

 21,395 total reads

 21,395 total reads Nakahanda na ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas, implementing arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity para sa kauna-unahang National LAIKO Assembly. Nakatakda ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 42,318 total reads

 42,318 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 81,847 total reads

 81,847 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 115,975 total reads

 115,975 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 172,380 total reads

 172,380 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LEADERSHIP PROBLEM

 42,319 total reads

 42,319 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 81,848 total reads

 81,848 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 115,976 total reads

 115,976 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 172,381 total reads

 172,381 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »
Scroll to Top