Walang makakatinag sa pag-asa na hatid ni Hesus-Bishop Occiano

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 40,476 total reads

Inihayag ni Virac, Catanduanes Bishop Luisito Occiano na walang sakuna ang makatitinag sa pag-asang hatid ng paghahari ni Kristo sa sanlibutan.

Ito ang mensahe ng obispo kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kristong Hari, ilang araw matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Uwan sa lalawigan.

Ayon kay Bishop Occiano, nananatili ang paghahari ni Kristo at ang matatag na pananampalataya ng mga Catandunganon sa kabila ng malawakang pinsala.

“In these difficult days, the Spirit has revealed something deeper than destruction: the resilience, unity, and unyielding faith of the people of Catanduanes – stronger than the winds, steadier than the floodwaters, and brighter than the darkness left in the storm’s wake,” pahayag ni Bishop Occiano.

Ibinahagi rin ng obispo ang mga napagkasunduan sa ginanap na Clergy Assembly ng diyosesis, kabilang ang pagpapalakas ng disaster preparednes sa tulong ng Parish Pastoral at Barangay Councils, at maging Caritas hubs.

Paiigtingin ng diyosesis ang pagbisita sa mga tahanan, pananalangin kasama ang mga pamilya, at mas aktibong presensya ng mga pari sa mga pamayanan.

“Our parish social services and Caritas desks must be strengthened so the Church remains a constant, compassionate, and listening presence to our poor and most vulnerable families,” ayon sa obispo.

Hinimok din ni Bishop Occiano ang pagpapatuloy at pagpapalawak ng bayanihang Catandunganon, mula sa muling pagtatayo ng mga tahanan at kabuhayan hanggang sa pagsuporta sa mga programang tumutugon sa pangangailangan ng mahihirap tulad ng feeding at health assistance.

Bahagi rin ng pastoral statement ang mas matatag na panawagan para sa pangangalaga ng kalikasan bilang mahalagang bahagi ng pagbangon, kabilang ang pagtutol sa anumang mapaminsalang gawain sa kapaligiran.

Kabilang sa panawagan ng obispo ang pagpapatibay ng moral na pundasyon ng komunidad sa pamamagitan ng patuloy na paghuhubog para sa kabataan, pamilya, mga lider, at mga pari.

Nagpahayag din si Bishop Occiano ng taos-pusong pasasalamat sa lahat nagpaabot ng tulong at suporta, lalo na sa mga paring naglingkod sa gitna ng unos.

Gayunman, aminado ang obispo na mahaba pa ang landas ng rehabilitasyon, kaya naman hiniling nito ang patuloy na suporta para sa pagbangon ng isla.

“Together, as one Body, we can restore hope with dignity… As we honor Christ our King, let us journey forward with courage, gratitude, and renewed hope,” saad ni Bishop Occiano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 44,788 total reads

 44,788 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 124,671 total reads

 124,671 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,118 total reads

 158,118 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,416 total reads

 193,416 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,229 total reads

 418,229 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,720 total reads

 156,720 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top