Damayan kontra sa katiwalian, isasagawa ng Diocese of Virac

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,295 total reads

Nagpahayag ng paninindigan at pakikiisa ang Diocese of Virac sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa moral renewal, integridad sa pamamahala, at pananagutan sa serbisyong publiko, sa gitna ng lumalalang usapin ng korapsyon sa lipunan.

Sa panibagong sirkular ni Virac Bishop Luisito Occiano, ipinahayag ng Obispo ang pakikiisa ng Simbahan ng Catanduanes sa buong Sambayanang Katoliko sa pagsusulong ng mabuting pamamahala at paghiling ng katapatan mula sa mga lingkod-bayan.

“In the wake of growing public concern over rampant graft and corruption in various levels of society, our Diocese stands firmly united with the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) in its prophetic call for moral renewal, integrity in public service, and accountability in governance” Bahagi ng pahayag ni Bishop Occiano.

Nasasaad sa Circular No. 17, Series of 2025, ni Bishop Occiano ang pakikiisa ng Diyosesis ng Virac sa nakatakdang Trillion Million March na sabayan at malawakang pananawagan para sa pananagutan sa mga isyu ng korapsyon sa pamamagitan ng sabayang pagpapatunog ng kampana sa lahat ng mga Simbahan ganap na alas-dose ng tanghali sa Nobyembre 29–30, 2025.

Kasabay nito, darasalin sa lahat ng Misa sa araw ng Linggo, ika-30 ng Nobyembre, 2025 ang Oratio Imperata for Good Governance and Transparency bilang nagkakaisang panawagan ng Simbahan at pamayanan para sa katapatan, katarungan, at tapat na paglilingkod.

Hinikayat din ni Bishop Occiano ang mga mananampalataya na magrosaryo, ipanalangin ang nasabing mga intensyon sa harap ng Blessed Sacrament, bilang espirituwal na paghahanda at sama-samang paghingi ng biyaya para sa pagbabago sa pamahalaan at lipunan.

“We join the TRILLION PESO MARCH with all the dioceses nationwide as we ring all our church bells on November 29-30 at 12:00noon. We also pray the Oratio Imperata for Good governance and transparency in all our masses on Sunday. I also encourage everyone to recite a rosary and spend adoration before the blessed sacrament for this intention.” Dagdag pa ni Bishop Occiano.

Ibinahagi naman ni Bishop Occiano ang pagsasagawa ng diyosesis ng “Damayan Kontra sa Katiwalian” sa Nobyembre 29na hindi lamang magsisilbing pagtulong sa mga naapektuhan ng nagdaang kalamidad kundi isa ring pagpapakita ng konkretong pagkakaisa sa pambansang adbokasiya at panawagan ng CBCP para sa good governance, moral accountability, at proteksyon ng mga mahihirap laban sa katiwalian.

“On November 29, our Diocese will conduct ‘Damayan Kontra sa Katiwalian’ is not simply a relief campaign to those affected by typhoons – it is our concrete expression of unity with the CBCP’s national advocacy for good governance, moral accountability, and the protection of the poor from corruption.” Ayon pa kay Bishop Occiano.

Ayon sa Obispo, mahalaga ang pagkakaisa ng mga Kristiyano sa pagsasabuhay ng pananampalataya at ng mga turo ni Kristo sa pamamagitan ng pagsusulong ng katapatan, pag-ibig sa kapwa, at pagprotekta sa kabutihan ng sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 42,771 total reads

 42,771 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 77,446 total reads

 77,446 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 106,308 total reads

 106,308 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 142,790 total reads

 142,790 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 158,390 total reads

 158,390 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top