Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 164,783 total reads

Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa.

Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA). Natapos ang taóng 2024 na may mahigit 370,000 na rehistradong kasal o registered marriages. Mas mababa ito sa mahigit 410,000 noong 2023. Nasa 10.2% ang diprensya. Dalawang magkasunod na taon na raw na bumababa ang bilang ng mga rehistradong kasal sa Pilipinas. Sa nakalipas na sampung taon, pinakamababa ang registered marriages noong 2020 dahil sa pandemya. Bahagya itong tumaas habang bumabalik tayo sa “normal”, pero hindi pa rin kapantay ng bilang ng registered marriages noong mga taon bago ang pandemya.

Ngayong 2025 kaya, mas bababâ kaya o mas dadami?

Sa isang naunang report, sinabi ng Commission on Population and Development (o CPD) na sinasalamin ng datos na ito ang nagbabagong realidad kung saan ang mga pamilya ngayon ay may iba’t ibang porma na. 

Ang mas kapansin-pansin pa raw, tumataas ang bilang ng mga nagli-live in o cohabitation. Nagsasama pero hindi kasal sa huwes man o sa simbahan. Kasabay nito ang pagdami ng mga tinatawag na children outside marriage o mga batang ipinanganak ng mga magulang na hindi kasal. Noong 2023, mas marami pa raw ang mga children outside marriage kaysa sa mga ipinanganak ng mga magulang na kasal.

Naniniwala tayong malaki pa rin ang pagpapahalaga nating mga Pilipino sa pagpapakasal ng mga nagmamahalan, bumuo ng kanilang pamilya, o magsama habambuhay. Pero hindi natin maikakailang maraming bagay na tinitimbang ang mga nag-iisip na mag-isang-isang dibdib. Gastos ito para sa iba. Sa hirap ng buhay ngayon, nakikitang mas praktikal ang magsama sa iisang bubong. May mga ipinagpapaliban ang kanilang kasal—o pinipiling magsama na lamang—habang kinikilala ng babae at lalaki ang isa’t isa. Hindi muna sila magpapatali. Mas nakababahala naman ang mga pagsasamang itinulak ng sitwasyon, gaya ng mga babaeng binuntis ng lalaki kahit hindi pa sila kasal. Minsan, karangalan ng pamilya ang isinasaalang-alang. 

Para sa Simbahan, banal na kasunduan ang pinapasok ng mga nagpapakasal. Isa itong sakramentong itinatag ng Diyos kung saan dapat malayang nakapagpapasya ang dalawang nagmamahalan. Kaya maganda nga ang salitang “pag-iisang dibdib” na ginagamit nating mga Pilipino; binibigyang-diin nito ang pagsasama ng dalawang tao at ang kabukasan nilang bumuo ng buhay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng anak. Sa ating pananampalataya, ang pagpapakasal sa Simbahan ay simbolo ng pagtanggap ng sambayanan ng Diyos sa dalawang nanumpang magsasama habambuhay—sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, hanggang kamatayan. “Hindi na sila dalawa, kundi iisa,” wika nga sa Mateo 19:6.

Pero ang paghahanda para sa pag-aasawa ay hindi natatapos sa pagpapakasal, kaya hindi ito kailangang pagkagastusan nang malaki. Sa Catholic social teaching na Amortis Laetitia, sinabi ni Pope Francis na hindi dapat ituring ng magkasintahan ang seremonya ng kasal bilang katapusan ng kanilang paglalakbay. Simula lamang iyon ng kanilang panghabambuhay na bokasyon—isang desisyong magkasama nilang pipiliin at tatanggapin. 

Nakakatakot ito, sa totoo lang. Kaya naman ang Simbahan, sa halip na idikdik sa mga magkasintahan ang turo nito ukol sa pagpapakasal, ay dapat nakatuon sa pakikipaglakbay sa kanila. Kaakibat nito ang pagsama sa kanilang mahihirap na sandali. Kaakibat nito ang pagtulong sa kanilang panatilihing buháy ang pag-ibig sa isa’t isa nang lumago sila nang magkasama. Kaakibat nito ang paggabay sa kanila tungo sa mga tao, lugar, at serbisyong maaari nilang takbuhan kapag nagkakaproblema sila.

Mga Kapanalig, imbis na mabahala tayo sa bumababang bilang ng mga nagpapakasal at sa dumadaming kababayan nating nagsasama nang hindi kasal, maging hamon dapat ito lalo na sa ating Simbahan. Hindi ito dahilan para husgahan sila. Imbitasyon ito para protektahan ang pamilyang itinuturing na saligan ng ating lipunan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 47,165 total reads

 47,165 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 81,840 total reads

 81,840 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 110,528 total reads

 110,528 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 147,011 total reads

 147,011 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 162,304 total reads

 162,304 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 47,166 total reads

 47,166 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 81,841 total reads

 81,841 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 110,529 total reads

 110,529 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 147,012 total reads

 147,012 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top