Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 36,814 total views

3rd Sunday of Advent Cycle A Gaudete Sunday
Is 35:1-6.10 James 5:7-10 Mt 11:2-11

Excited na tayo! Excited na ba kayo? Excited sa ano? Sa Pasko o sa pagdating ng Panginoon? Kung excited tayo sa Pasko, saan tayo excited? Sa bakasyon? Sa bonus, kung hindi pa natin ito natanggap? Sa regalo? Sa Christmas party kung hindi pa ito nangyari? Sa bagong damit? Kung diyan lang tayo na-e-excite, ang babaw naman! Kasi ang lahat ng iyan ay lilipas. One week after Christmas ay wala na iyan. Sana excited tayo hindi lang sa pasko kundi sa pagdating ng Panginoon. Maaaring nandiyan ang pasko pero wala ang Panginoon. At maaari namang dumating ang Diyos anytime, kahit hindi na pasko.

Excited ba tayo sa pagdating ng Panginoon? Sinabi sa atin ni propeta Isaias: “Huwag kang matakot, laksan mo ang iyong loob, darating na ang Panginoong Diyos at ililigtas ka sa kaaway!” Sa anong kaaway tayo ililigtas? Sa mga pumipigil sa atin na magkaroon ng kaganapan ng buhay. Para sa iba maaaring iyan ay kakulangan sa hanap buhay, o karamdaman, o tukso, o pang-aabuso, o galit, o bisyo. Dini-describe ang mga hadlang na ito ng pagiging bulag, pagiging pipi, pagiging pilay o pagiging bingi. Kaya ang mga bulag ay makakikita, at makaririnig ang bingi, lulundag ang pilay at aawit ang pipi. Iyan ang katubusan. Dito dapat tayo manabik, at iyan ang asahan natin. Kaya ang lungkot at dalamhati ay mapapalitan ng tuwa at galak. Kaya ngayong ika-tatlong Linggo ng Adbiyento ay tinatawag na Gaudete Sunday – Linggo ng tuwa at galak kasi ang inaasahan natin na darating ay ang Panginoon na magbibigay ng kaganapan ng buhay.

Si Juan Bautista ang tagapagpanguna sa pagdating ng Panginoon. Nanawagan siya ng pagsisisi. Bininyagan niya ang mga taong nagsisisi. Pero ang ayaw na magsisisi ay nagagalit sa kanya. Isa na diyan ang haring si Herodes, ang anak ng Herodes na nagpapatay sa mga sanggol noong si Jesus ay isinilang. Nagagalit ang Herodes na ito noong sabihin ni Juan Bautista na hindi tama na kinakasama niya bilang asawa ang asawa ng kanyang kapatid. Ipinabilanggo niya si Juan. Sa katahimikan at kalungkutan ng bilangguan umaasa si Juan na darating na ang kaligtasan, kasi bininyagan na nga niya si Jesus. Pero wala pang nangyayari. Akala niya pagdating ni Jesus pababagsakin na niya ang mga Romano at si Herodes na tuta ng mga ito. Pero hindi naman nangyayari. Kaya nagpadala sila ng mga alagad niya kay Jesus upang tanungin: “Kayo po ba ang ipinangakong paririto o maghihintay pa kami ng iba?” Siguro dramatic na pagbagsak ng mga kaaway ang kanyang inaasahan. Pero sinabihan ni Jesus ang mga sinugo niya na ibalita nila kay Juan ang ginagawa niya: nakakikita ang mga bulag, nakaririnig ang mga bingi, binubuhay ang mga patay at ang mabuting balita ay naipangangaral sa mga dukha. Ang kapangyarihan ni Jesus ay hindi niya ginagamit upang ibagsak ang makapangyarihan kundi upang buhatin at tulungan ang mga nasa ilalim at nagdadalamhati. Madalas inaasahan natin na ibagsak ang nasa itaas, at hindi na buhatin ang mga nasa ibaba. Ibang kumilos si Jesus kaysa ating inaasahan. Ang katarungan na kanyang dinadala ay habag. Kinahahabagan niya ang nagdurusa at inaahon sila.

Siguro nakumbinsi si Juan ng mga ibinalita ng mga isinugo niya kaya nanatili siyang tapat hanggang sa wakas, hanggang siya ay pinugutan ng ulo. Si Juan ay hindi isang tao na sumusunod lang sa ihip ng hangin, o nagpapadala sa public opinion. Bilang tunay na propeta, siya ay nanindigan at naging tapat. Dakilang propeta si Juan na pinaniwalaan ng mga tao at kinikilala na galing sa Diyos.

Tulad ni Juan magtiyaga din tayo at patuloy na umasa sa pagdating ng kaligtasan. Ang pagtitiyagang ito ay inihambing ni Santiago sa ating ikalawang pagbasa sa mga magsasaka. Alam ninyo iyan, kasi marami sa inyo ay magsasaka. Hindi agad-agad ang pagsibol at pagbunga ng itinanim natin. Kailangang mag-antay sa panahon ng tag-ani. Pero habang nag-aantay inaalagaan at binabantayan din ang ipinunla. Ang pag-aantay ng magsasaka ay hindi pagpapabaya. Busy din siya sa kanyang pag-aalaga sa tanim na inaasahan niyang mamumunga.

Ganoon din tayo. Busy din tayo sa pagkilos ayon sa ating inaantay. Excited tayo na dumating ang katarungan, kumilos tayo para sa katarungan. Gusto natin na umangat ang nahihirapan, iangat natin ang kilala nating nahihirapan. Ayaw natin ng nagsasamantala, pigilin natin ang alam natin na nagsasamantala ngayon. Sa maikling salita, gawin na natin ngayon ang ating inaasahan. Huwag nating isipin na kaunti lang tayo, hindi man natin mapipigil ang mga corruption, hindi man natin kayang tulungan ang mga mahihirap. Oo, hindi man natin matutulungan ang lahat ng mahihirap pero matutulungan natin ang isang mahirap. Hindi man natin maituwid ang lahat ng pagsisinungaling, mapipigilan natin ang pagkalat ng ilang sinungaling at fake news. Gawin natin ang magagawa natin at ang Diyos na ang aayos para sa lahat. Siya naman talaga ang manliligtas. Sa ating paggawa ng gusto nating gawin ng Diyos, napapaalab ang ating pag-asa.

Noon ay may higit na limang libo ang nagugutom na mga tao; nagtanong si Jesus kung saan makakukuha ng pagkain para sa kanila. Nag-calculate na si Felipe. Kailangan natin ng halaga ng 200 araw na sahod para makakain ang lahat. Sa ating panahon na 550 pesos per day – mga 350,000 pesos iyan – napakalaking halaga. Pauwiin mo nalang sila. May isa pang nagsabi, wala naman tayong mabibilhan ng tinapay dito para sa ganyang karami na mga tao. Magkanya-kanya na lang silang humanap ng pagkain. Mabuti pa ang isang bata. Noong narinig niya na pinag-uusapan ang pagkain, inalok niya ang kanyang baon na limang tinapay at dalawang isda. Talagang hindi kasya iyan. Pero sa pamamagitan nito napakain ni Jesus ang lahat. Si Jesus ang manliligtas, ialok natin at ilagay sa kanyang kamay ang mayroon tayo at ang makakaya natin. At makikita natin ang ating inaasahan na makakikita ang mga bulag, makalulundag ang mga pilay, makaririnig ang mga bingi, at makaaawit ang mga pipi. Ito ang pag-asa na binibigay sa atin ng adbiyento. Ito ang pagsikapan nating gawin. At ito ang mararanasan nating mangyari. Umasa tayo! Magtiyaga tayo! Kumilos tayo!

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 86 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

PAG-IBIG at Landers, lumagda sa Memorandum of Agreement

 1,837 total views

Nilagdaan ngayong araw ng Pag-IBIG Fund at Landers Superstore ang Memorandum of Agreement (MOA) sa Landers Superstore Aseana upang palawakin ang mga benepisyong matatanggap ng mga miyembro ng Pag-IBIG sa pamamagitan ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, layunin ng kasunduan na mabigyan ng mas maraming napapanahong benepisyo ang may 17-milyong aktibong miyembro ng PAG-IBIG Fund kabilang ang mga hindi pa nangangailangan ng housing o multi-purpose loan.

“Sa ating mga pag-ibig members, pumunta na kayo dito sa Landers, dalhin nyo ang iyong loyalty card plus, pwede na kayong mag-shopping kahit wala kayo ng membership card. Initially, hindi na.Pero mas maganda kung pagkatapos nilang mag-shopping kasi para forever na silang member ng Landers,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Acosta.

Ayon kay Acosta na bukod sa pagiging cash card, nagsisilbi ring daan ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus upang makakuha ng mga diskwento, espesyal na alok, at reward points mula sa lumalawak na hanay ng mga partner establishments ng ahensya.

Binigyang-diin din ni Acosta na malaking bahagi ng buwanang gastusin ng maraming pamilyang Pilipino ang pamimili ng grocery kaya’t makatutulong ang bagong partnership upang makabawas sa kanilang gastusin dahil ang bawat pisong matitipid sa mga pangunahing pangangailangan ay maaaring mailaan sa edukasyon, pamasahe, bayarin sa kuryente at tubig, o maging dagdag na ipon sa MP2 Savings Program.

“We are truly grateful to Lander’s Superstore for joining us in this mission.Together, we are making the Pag-ibig Loyalty Card Plus even more rewarding and meaningful for our members.As we sign this Memorandum of Agreement today, we reaffirm our commitment to helping Filipino families save more, spend wisely, and enjoy greater value from their pag-ibig membership.To our friends from Lander Superstore, thank you for your trust and partnership. Maraming salamat po at congratulations to all of us,” bahagi pa ng mensahe ni Acosta sa gawain.

Sa bisa ng kasunduan na nagsimula noong August 01 hanggang October 31 ngayong taon, maaaring makakuha ang mga may hawak ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus ng libreng Landers Shopping Pass, libreng Landers Premium Membership sa minimum na single-receipt purchase na 3-thousand pesos, at pagkakataong mag-upgrade sa Executive Membership sa halagang 300-pesos lamang, magagamit ang mga benepisyong ito sa 16 na kalahok na Landers Superstore branches sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 6,500 total views

 6,500 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 81,845 total views

 81,845 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 113,127 total views

 113,127 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 145,144 total views

 145,144 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 297,085 total views

 297,085 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 2, 2026

 12,529 total views

 12,529 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle A St John Mary Vianney Sunday Is 55:1-3 Rom 8:35.37-39 Mt 14:13-21 Ngayong Linggo ay St. John

Read More »

Homily July 26, 2026

 14,241 total views

 14,241 total views 17th Sunday in Ordinary Time World Day of Parents and the Elderly Fil-Mission Sunday 1 Kgs 3:5.7-12 Rom 8:28-30 Mt 13: 44-52 Sa

Read More »

Homily July 19, 2026

 19,585 total views

 19,585 total views 16th Sunday in Ordinary Time Wis 12:13. 16-19 Rom 8: 26-27 Mt 13:24-43 Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y

Read More »

Homily July 12, 2026

 27,159 total views

 27,159 total views 15th Sunday in Ordinary Time Is 55:10-11 Rom 8:18-23 Mt 13:1-23 Makapangyarihan ang simbahan. Tumagal siya ng higit na dalawang libong taon. Mula

Read More »
Scroll to Top