Obispo ng Diocese of Masbate, sumakabilang buhay na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 73,045 total reads

Pumanaw na sa edad na 65-taong gulang ang Obispo ng Diyosesis ng Masbate na si Bishop Jose Salmorin Bantolo.

Sa isinapublikong opisyal na anunsyo ng Diyosesis ng Masbate, pumanaw si Bishop Bantolo noong Sabado – December 13, 2025 pasado alas-10:36 ng gabi.

Nagluluksa ang Simbahan sa pagpanaw ng Obispo na inialay ang kanyang buhay sa tapat at mapagkalingang paglilingkod sa bayan ng Diyos, lalo na sa mga pamayanang nasa isla at mga liblib na lugar ng Masbate kung saan siya nagsilbing punong pastol ng diyosesis sa loob ng 14-na-taon.

Si Bishop Bantolo ay naordinahan bilang pari noong April 21, 1986.

Sa loob ng halos 4 na dekada ng kanyang pagpapari, nagsilbi si Bishop Bantolo sa iba’t ibang tungkulin bilang parish priest, rector ng seminaryo, diocesan administrator, bago italaga bilang Obispo ng Masbate noong September 11, 2011.

Sa loob ng 14 na taon ng kanyang pagiging Obispo ng Diyosesis ng Masbate ay pinangunahan niya ang lokal na Simbahan nang may kababaang-loob, sipag, at malasakit sa bawat isa.

“It is with deep sorrow that the Roman Catholic Diocese of Masbate announces the passing of the MOST REVEREND JOSE SALMORIN BANTOLO D.D., Bishop of Masbate. Bishop Bantolo was called to eternal rest on December 13, 2025 at around 10:36 pm at the age of 65. He served the faithful of the Diocese of Masbate with devotion and grace for 14 years. We give thanks for his life of service and selfless leadership.” Bahagi ng opisyal na anunsyo ng Diyosesis ng Masbate.

Bilang pastol, kabilang sa kanyang pangunahing ministeryo ang ebanghelisasyon, paghubog sa mga pari at mga layko, at malasakit sa mahihirap at nasa mission areas. Kilala si Bishop Bantolo sa kanyang tahimik ngunit matatag na pamumuno, at sa pagiging malapit sa mga pari, relihiyoso, at ordinaryong mananampalataya.

Samantala, nagsilbi rin si Bishop Bantolo bilang dating kasapi ng Permanent Council ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Culture.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 143,560 total reads

 143,560 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 216,927 total reads

 216,927 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 250,375 total reads

 250,375 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 285,673 total reads

 285,673 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 506,629 total reads

 506,629 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top